Hindi halos makapaniwala ang mga fans sa kanilang nabalitaan na namaalam na  ang isa sa mga paborito nilang Miss Q and A contestant na si Ligaya Maligat. 

Marami ngayon sa mga fans at kaibigan ni Ligaya ang nagparating ng kanilang mga "condolences" at panay din ang mga posts tungkol sa nasabing beauty queen. 

Ilan sa kanyang mga nakalaban noon ay nag post sa kani-kanilang mga Facebook accounts bilang tanda ng kanilang pakikiramay sa pumanaw na si Ligaya. 

You were the best during my 6th reigning day, yung napakaba sa akin until I saw you entering the Resbekis and officially joined the Team Semi-Finals.

"Hindi ko makakalimutan 'yung famous line mong "No, it's not the environment, the quality of life to do so..." 

Salamat sa madaling panahon na napasaya mo ang ating Madlang People.

You will always be a part of Miss Q & A Semis-Queens Season 1.

Rest in Peace, Mami Ligaya Maligat. 

It's time to bring the crown back to our creator.

And we 'Thank you'," sulat ni Ronnie Ignacio, isa sa mga naging katunggali ni Ligaya sa nasabing kompetisyon.


Samantala, isang tiktok video ang ginawa ng isa sa mga kaibigan ni Ligaya Maligat bilang tribute sa namaalam na kaibigan. 

"Dahil Celebrity ka sister! Isang tribute muna para sayo dahil di ka namin makakalimutan💯❤️👑 mahal ka namin Ligaya Maligat  mahal na mahal kita badeng! Diko malilimutan lahat ng pagmamahal mo sa akin. Sobraa. Hanggang sa muli! 💔😭



Rommel Blay aka LIGAYA MALIGAT

1979-2022," post ni Erika Akire sa kanyang Facebook account. 

Marami pa sa mga kaibigan ni Ligaya ang nagpahayag ng kanilang pagkalungkot sa natanggap na hindi inaasahang balita.

May isang nagbigay ng komento sa isang video at nagpakilalang hipag ni Ligaya Maligat.

Sinabi rin niya na kasalukuyang nasa Balete Relocation Site sa Batangas City ngayon nakaburol ang labi ni Ligaya Maligat. 

Si Ligaya Maligat o kilala sa totoong buhay na si Rommel De Los Reyes Blay ay ipinanganak noong Disyembre 24, 1979 at pumanaw nitong January 10, 2022 sa edad na 42. 

Source: facebook