Kinumpirma ng aktres na si Heaven Peralejo na naging magkarelasyon sila ni Kiko Estrada nitong taong 2021 sa panayam sa kanya ng Magandang Buhay nitong Disyembre 23 lang. 

Ito ay matapos siyang tanungin sa Magandang Buhay kung mailalarawan ba niyang "heaven o hell" ang natagpuan nilang pag-ibig simula noong unang taon. 

"Ano kaya? Both na natin," napangiting sagot ni Heaven.

Bakit niya nasabing heaven ang kanyang relasyon noon?

"Why? Naging masaya naman ako. And marami naman ako natutunan," simpleng saad ng young actress.

Pero may bahagi ring "hell" ang narasanan niya.

Ani Heaven, "Yung hell, kasi siyempre, ewan ko, siguro in life hindi naman lahat masaya."

Usap-usapan din noon sa social media matapos mag post ang nakakatandang kapatid ni Devon na si Dhemy Seron matapos ang kumalat na alleged photos sa internet ang ex boyfriend ni Devon na si Kiko Estrada kasama sa Heaven Peralejo sa Boracay. 

Heto ang ilan sa kanyang mga naging posts sa kanyang stories at comments:

"Sa'n na pala yung mga naghahanap ng resibo?"

"The fact that they didn't wait a year...imba"

"Mga mababaho ang mukha, nagpares."

"Dami kong resibo lagpas bente. Maitapon nga sa mga BASURA kaso wala pa ata mga GARBAGE COLLECTOR CHEAPMUNKS."

"TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER."



Hinuha ng mga netizen na totoo talaga ang kumakalat na tsismis na si Heaven ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Kiko at Devon.

Maalala rin nitong April lang ay kinumpirma ni Kiko sa publiko na hiwalay na sila ng aktres na si Devon sa kanyang virtual appearance sa ABS-CBN morning show na "Magandang Buhay" matapos siya tanungin ng mga hosts.

“I guess I can answer that. Yeah, I’ll take this one from my mama. I think it’s a proper way for a man to say my status in life. Well yeah, I’m single,” sabi ni Kiko. 

Matapos ang kanilang pagkaipit sa sitwasyon, agad nagbitiw ng statement si Heaven tungkol sa isyung kinasasangkutan umano niya. 

Agad na itinanggi ng aktres na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Kiko Estrada at Devon Seron. Pinost pa nga umano ni Heaven ang kanyang statement tungkol sa isyung ito sa kanyang Instagram stories. 

"Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-stars working with each other."



“I should have been dragged into the personal issue between Devon Seron and Kiko Estrada. However, I will not stay silent about it especially after being harshly accused of something I did not and would never do.

“To set things straight, I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

“I know how painful the process of heartbreaks can be but this does not justify pinning the blame on others who are not even involved. Although, I do sincerely hope Kiko and Devon would heal from this,” sabi ni Heaven.

Source: PEP