Halong lungkot at inspirasyon ang hatid ng isang lalaki na paralisado sa loob ng tatlong dekada, ngunit nagawa pa ang pagkokopra bilang hanapbuhay nito sa Camiguin.
Ayon sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" (KMJS) episode, non-stop ang pagtatrabaho ni Jerome sa kabila ng kanyang pagka-confined sa kanyang higaan matapos hindi na niya maigalaw ang kanyang lower body.
Hinahawakan niya ang mga kernels habang nakaupo lamang sa kanyang wheelchair, ngunit nakaramdam umano siya ng pananakit matapos ang mahabang oras na nakaupo.
Nagtatrabaho siyang nakahiga sa kanyang kama at nakatagilid.
Ang mga bata umano sa kanilang lugar ay binebenta sa kanya ang mga dried coconuts sa halagang Php 6.00 kada isang piraso.
Mayroon siyang bamboo stick na nakadisenyo para makuha niya ang mga dried coconuts. Matapos niyang mabalatan ang mga coconut, tinutulungan siya ng kanyang pamangkin na si Jovy para mag smoke-dry ng kernels.
Ang mga na smoke-dry na kernels ay binebenta nila ng Php 41.00 ang kada kilo.
Ayon kay Jerome, ginagamit niya ang kanyang mga naging kita sa pagbabayad ng kanyang mga utang.
“Pambayad sa loan. PHP5,700 isang buwan. Matatapos na sunod na Martes. Loan na naman uli. Kasi walang laman,” sabi ni Jerome.
Ayon kay Jerome, ang kanyang paralysis ay nangyari buwan lamang bago ang kanyang 18th birthday.
“Palagi akong nanaginip na nalulubog dito sa putik ’yung katawan ko. Halos siguro isang buwan. Pabalik-balik,” aniya.
Hindi raw niya akalain na mangyayari ang isang car accident.
“’Yung likod ko parang nadurog-durog. Agad inoperahan ako para lang daw makaupo kasi ‘pag wala daw ’yun hindi daw makaupo."
“May sarili silang pangarap hindi nila maabot kasi sila nagbabantay. ’Yung tatay ko ganun din. Sinisisi ka. Hindi raw mahirap kung hindi dahil sa akin,” paliwanag ni Jerome.
Kaya, nagdesisyon umano si Jerome na bumukod sa kanyang mga magulang. At nagpapasalamat si Jerome sa kanyang mga kapitbahay dahil tinutulungan siya nito sa kanyang araw-araw na mga gawain.
Matapos ang aksidente, hindi pa nakapag pa-check up si Jerome sa isang specialista.
Dinala siya ng KMJS team sa Cagayan De Oro City. Matapos ang kanyang check-up kay Dr. Wency Daya, isang neuro-spine specialist, sinabi nito na mayroong complete spinal cord injury si Jerome- most severe form of spinal cord injury.
Isang nongovernment organization ang nagbigay ng wheelchair para kay Jerome at folding bed. Nagbigay din ang KMJS team ng mga pillows at financial assistance.
Nakalagay na rin ang pangalan ni Jerome sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) under sa Persons with Disability (PWD).
Pinadalhan si Jerome ng mga grocery items at sinabing imo-monitor nito ang kanyang kalagayan.
Samantala, ayon pa sa Patient Alliance Organization of the Philippines’ Maria Fatima Girlie Garcia-Lorenzo, may kakulangan umano sa health services sa mga rural areas.
“Talagang kakaunti ang health services natin sa rural areas. ‘Yung doctor to the barrios bigyan sila ng incentives. Para naman worth it ’yung kanilang pagpunta sa baryo," aniya.
“’Yang nawalan ka ng pag-asa ’wag niyo na ’yang isipin. Ang importante diyan buhay pa tayo . Kaya natin ’to. Tayo mismo ang makapagbigay ng pag-asa sa ating mga sarili,” sabi ni Jerome.
Panoorin ang buong video dito!