Muling nagbalik-tanaw ang vlogger-actress na si Jelai Andres ang kanyang naging masalimuot na karanasan sa pag-ibig.

Sa interview niya kay Toni Gonzaga ay ikinuwento niya kung paano sila unang nagkakilala ni Jon Gutierrez o mas kilala bilang King Badger, dating asawa ni Jelai at isa sa miyembro ng Ex-Battalion.

Kwento niya, nagsimula ang lahat nang i-reshare niya ang video ni Jon kasama ang kanyang ina.

Noong panahon daw kasi na iyon ay may followers na si Jelai dahil naging bahagi siya ng teleseryeng, "Iiwan" at nagkaroon din siya ng sariling show na, "Jelai Says, Jelai Shows" na ipinalabas sa TFC. 

Agad raw na nag-message sa kanya noon si Jon ng “Hi, baby” na nireplyan niya after 4 days at doon na nagsimula ang kanilang love story.

Pero iyon nga lang, hindi lahat ng love story ay palaging masaya. Noong 2016, unang nadurog ang puso ni Jelai dahil sa "cheating" isyu ni Jon sa ibang babae.

Dahil ika nga, may pagka marupok itong su Jelai at mahal na mahal si Jon, pinatawad ni Jelai ang kanyang boyfriend at makalipas lang ang isang taon ay nag propose sa kanya si King Badger at nagpakasal na sila.

Ngunit, buong akala ni Jelai ay magiging okay na ang lahat dahil pinag-isa na sila ng Maykapal, makailang beses pa ring nahuli ni Jelai si Jon na nagkakasala sa kanya.


Ayon pa kay Jelai, sa tuwing mangyayari umano ito, nade-depress siya at umabot pa sa puntong kung paano niya dapat pahalagahan ang kanyang sarili.

“Hindi ko alam e. Umiiyak ako tapos dire-diretso lang, maninigas ako, tapos magsasara ‘yung throat ko. Hindi ako makahinga… tapos dadalhin ako sa ER (emergency room).

“Pero dahil paulit-ulit na ‘yung nangyayari… marami ako paghihirap na pinagdaanan pero lagi kong nilalaban kasi pilit kong binubuo ‘yung sarili ko, bubuuin ko rin siya while ako rin pala ‘yung nawawasak,” kuwento ni Jelai.


May isang beses rin na dinala siya sa ospital at suot suot niya umano ang shorts ni Jon habang naka-wheelchair.

Nanlumo umano nang labis si Jelai noon at hindi niya napigilan ang umiyak nang umiyak. Hanggang sa naging okay na siya, agad sila umuwi ng bahay at doon na lang nalaman na butas pala ang sinuot niyang shorts. 

“Pag-uwi ko ng bahay, okay na ako. May gamot na ako. Tinaas ko ‘yung paa ko. Pagtaas ko ng paa ko, butas ‘yung shorts ko. Wala akong underwear!” natatawang balik tanaw ni Jelai.


Dagdag pa niya, kaya raw niya paulit-ulit at inilaban ang lahat dahil naniniwala siya na dapat gawin niya ang part niya bilang asawa kaya wala siyang pagsisisisi dahil alam niyang ginawa niya ang lahat.

“Ginawa ko ang lahat hanggang sa nasagad na. ‘Yung parang binigay na ni Lord ‘yung sign. Kasi ate naniniwala ako na kapag gusto ni God na i-let go mo ‘yung someone pero ni-refuse mo, hahayaan Niya na masaktan ka nang masaktan para wala ka nang ibang choice to let go.”

Sa kasalukuyan, masaya na si Jelai sa kanyang buhay at natuto siyang mas pahalagahan pa ang kanyang sarili. 

Panoorin ang buong video dito!