Hindi pinalampas ng aktres na si Jessy Mendiola ang mga taong mahilig magbigay ng "unsolicited advices" sa kanyang Instagram stories. 

Nanghingi umano ang aktres ng mga advice mula sa mga netizen ng ilang beses tungkol sa possibility of getting pregnant.

May isang netizen na mabilis nakapagbigay ng kanyang komento at sinabi na ang post ng aktres ay nangangahulugan lang na hindi niya gusto mabuntis.

Agad na nag repost si Jessy ng post mula sa Preview. Sabi pa ng aktres, hindi niya alam kung bakit may mga tao na magtatanong ng mga sensitive at personal na questions.

 "I know my body more than anyone else and I always follow what my O.B. says." 

At sa katapusan ng kanyang post, in bold letters, sinulat niya ang, "JUST MIND YOUR OWN BUSINESS."

Umugong noon ang usap-usapan sa social media tungkol sa isang celebrity couple matapos sinagot ang mga pambabatikos sa kanilang relasyon na napabalitang kakabago lang ikinasal. 

Marami ang sumabaybay sa relasyong Jessy Mendiola at Luis Manzano at marami din ang hindi sang-ayon sa naging relasyon ng dalawa. Ilan sa mga naging komento ng mga netizen ay hindi raw tama ang ginawa ni Jessy.

Sa isang recent vlog ni Jessy kasama ang kanyang husband na si Luis Manzano, sinagot na nila ang mga “mean comments” tungkol sa kanila online.

Sinorpresa ni Jessy si Luis sa kanyang 40th birthday. “Wish ko sana matapos ng lahat ng ,to at back to normal na tayo...,” sabi ni Luis habang ibo-blow ang candle ng kanyang cake.

Marami ang nagparating ng kanilang greeting sa pamamagitan ng comments at abis na natuwa ang dalawa habang binabasa nila ang mga comments.


“Sa wakas nagpakasal na rin ang bakla. Congratulations!”

“Congratulations po. Happy to see you both.”

Ngunit may iba lang talaga na hindi nila nakayanang palampasin ang nakitang mga komento ng mag-asawa.

Sinabi ng aktres sa kanyang vlog na hindi niya inagaw si Luis sa kahit na sino at paliwanag ng aktres sa isang mean comment na hindi siya “mang-aagaw.”

“I’ve been setting this record straight over and over again. As in, like I’ve been telling everyone about this. I will clear it again now but I will not speak about this again ever. Wala akong inaagaw. Mas nakakatulog ako sa gabi na alam ko ‘yung totoo,” sabi ni Jessy. 

“Mas nakakatulog ako sa gabi dahil alam kong wala akong inaagaw.”

Sinagot din ni Jessy ang isang mean comment na sinabihan siyang “gold digger” ng isa sa mga netizen. Ani niya, siya ay nagsimulang magtrabaho sa murang taong gulang at ito ay nakatulong sa kanya para maging financially independent. 

I would like to think na magaling din ako sa sarili kong pera. That’s the reason I still work in my own little way na nakakapag-ipon ako. So, hindi rin ako talaga umaasa kay Luis when it comes to money,” sagot ni Jessy sa paratang sa kanya.


Nagbato rin ang kanyang husband komento nito na dinadaan sa pabirong pamamaraan. “Ang hindi niya alam pera niya ang habol ko. Yun ang hindi alam ng mga tao,” pabirong sabi ni Luis sa kanilang vlog.

Ipinagtanggol ni Luis si Jessy sa lahat ng mga naging paratang sa kanya lalong lalo na sa mga taong kumwestiyon sa kanyang financial capability na bumili ng isang luxury watch.

Marami sa kanilang mga followers ang labis ang pagkagulat nang sinabi nila sa publiko na officially mag-asawa na sila matapos nag announce ng kanilang wedding noong February 26.

Soutce: KAMI