Sa gitna ng isyung hiwalayan nila ni Carla Abellana at Tom Rodriguez, mabilis kumalat ang mga espekulasyon na ito ay may kinalaman umano sa "third party."

Noong Miyerkules, Enero 27, 2022, inulat ni Cristy Fermin sa programa niyang Cristy Ferminute na napag-alaman niya sa ilang "sources" na 'nahuli' umano ni Carla na may "third wheel" si Tom.

Base sa mga clues na binigay ni Nanay Cristy, nakasama ni Tom ang tinutukoy na "third wheel"  sa isang teleserye umano sa GMA-7.

Nagkamabutihan umano ang dalawa noong nasa lock-in taping sila. 

Paglalarawan pa ni Cristy sa Kapuso actress na nauugnay umano kay Tom, "Napakaganda, magaling umarte, at magaling mag kontrabida."

Malaman ang mga sumunod pang clue ni Cristy kung sino ang Kapuso actress.

"Day, dyusko day. Ang apelyido niyan ay puwedeng Monday at mga susunod pang araw.

"Nako... Naging miss chuchuchuchu sa tourism... Ang apelyido niya, Lunes hanggang Biyernes, Linggo, Lunes, Martes," ani ni Nanay Cristy. 

Ito ang naging laman ng hottest issue ngayon sa social media. Maraming netizen ang naghihinala na si "Kelly Day" umano ang tinutukoy na "third party."


May mga nag komento pang nagpunta umano si Kelley sa London "para iwas chismis."

Samantala, hindi pinalampas ni Kelley Day, 25, ang pagkakadawit niya sa tinagurian nitong "fake news."

Si Kelley ay nakatrabaho ni Tom sa Kapuso prime-time series na "The World Between Us," na nagtapos nitong January 7, 2022.

Ngayong Huwebes, January 27, 2022, naglabas agad ng pahayag si Kelly sa kanyang Instagram story. 


Pahayag ng actress-beauty queen (published as is): "many people are speculating about my involvement in a certain rumor/blind item story that seem to have been circulating today.

"so before things get too out of hand, i'd like to clarify that I have no knowledge of/involvement with the controversy.

"I don't know how or why my name has become linked (i'm surprised too), but what I do know is these accusations about me are false.

Source: PEP