Viral ang isang lalaki na gusto lamang makaligo nang maayos dahil sa naputulan sila ng suplay ng tubig sa kanilang lugar, kung kaya't nagtungo sa isang hotel. Ngunit, hindi niya mawari ang nakita ng kanyang dalawang mata sa hotel na iyon. 

Sa mismong hotel din kung saan siya nagtungo, nakita niya ang kanyang pinakamamahal na nobya kasama ang isang matandang lalaki. 

Ito ay naganap sa Hanoi, Vietnam na kung saan ang lalaki ay nagpatago lamang sa pangalan na Aki. Dahil sa matinding pagbaha ng kanilang lugar, pansamantalang pinutol ang suplay ng kanilang tubig. 

Kailangan niya umanong pumasok sa trabaho at ilang araw na rin ang nakalipas muli nang huling beses siyang naligo. Kaya, nagtungo siya sa hotel para makaligo.

Bingyan pa nga ng discount si Aki nang sabihin niya sa mamahala ng hotel na makikiligo lang siya, hindi siya matutulog sa kwarto.

Habang naghahanda na si Aki papuntang trabaho, may narinig umano siyang boses ng magkasintahan at ang babae ay kaboses umano ng kanyang nobya. 

Ang hotel na iyon ay mumurahin lamang, kaya manipis lang ang pader nito at maririnig umano ang mga taong nag-uusap sa kabilang kwarto.

Makalipas ang ilan pang mga minuto, mas lalo pa siyang nanghinala na boses talaga ng kasintahan niya ang kanyang narinig. Humugot siya ng lakas ng loob para kumatok sa kabilang kwarto para malaman kung jowa nga ba talaga niya ang nandoon.

Tila gumuho ang kanyang mundo nang makita ang kanyang nobya na may ginawang hindi kanais-nais sa loob ng kwarto kasama ang matandang lalaki.

Hindi napigilan ni Aki na magwala matapos niyang makita ang ginawa ng kanyang nobya at ng matandang lalaki na nakita mismo ng dalawang mga mata niya. 


Awang-awa sa kanya ang mga staffs ng hotel at ang mga tao na nakapanood nito sa social media. 

Lalo pang dumarami ang mga isyu tungkol sa pangangaliwa o mga tinatawag nating “third party issue” na siyang akala natin noon, sa teleserye lang mangyayari, ‘yon pala ay maaari ring mangyari sa totoong buhay. Sa panahon ngayon, masasabi talaga natin na mas matapang pa at palaban talaga ang mga kabit.

Tulad na lamang ng isa pang balita na ito, sa mismong vaccination site, nag viral ang video ng nasabing legal wife at ang mistress matapos silang gumawa ng eskandalo.

Sa viral na post sa Twitter na may username na @iamtix95, nangyari umano ang gulo sa isang vaccination center [undisclosed name of the vaccination site].

Ayon sa nag post ng video sa Twitter na saksi rin ng mismong pangyayari, sinabi raw ng mister ng legal wife na hindi niya masasamahan ang kanyang asawa sa vaccination. Kaya, nagpasama na lang ang nasabing legal wife sa kanyang kapatid na babae. 

Laking gulat na lang nilang dalawa ng nasabing legal wife at kapatid nito, na kaya pala hindi siya masamahan ng kanyang mister dahil kasama pala nito ang kabit niya sa parehong vaccination center din kung saan sila nagtungo.

Sa post nito sa Twitter, nilagay niya ang caption na, "Husband told his wife that he could not accompany her for vaccination. So his wife went with her sister. Lo and behold they saw the husband coming in with a girlfriend at the same vaccination center.”

Sa video, kitang kita ang nagliliyab na galit ng legal wife at ng kanyang kapatid habang kinompronta nila ang lalaki. Ngunit, gaya ng ng mga kabit ngayon, palaban din ang kabit ng kanyang mister. 


Nakuha pa nitong itapon ang mga upuan sa mismong direksyon kung saan nandoon ang nasabing legal wife ng kanyang kinakasamang lalaki. Nagulat din ang mga healthcare workers na nasaksihang pangyayari dahil hindi nila inakala na may ganoong pangyayari na magaganap sa loob mismo ng vaccination center. 

Inilarawan pa nga nila na para silang nanood ng isang Ultimate Fighting Championship (UFC) dahil hindi magpa paawat ang dalawang babae.

Source: juantambayan