Mula sa ternos na mga pajamas, backpacks at mga slumber parties noong high school, mas pina level up pa ng magkakaibigan na ito nang sabay-sabay silang naging preggy. 

Sa isang photo na kuha ni Marvin Ponce, proud na proud na idinisplay ng magkakaibigan ang kanilang mga baby bumps, kasama ang ultrasound photos ng kanilang mga babies. 

Sinabi ni Cherley Mae Nicolas na siya at ng kanyang mga kaibigan ay magkakilala na noong high school pa lang at 12 taon na ang kanilang friendship.

Hindi naman sila nagbigay ng kasunduan na dapat sabay- sabay ang kanilang pagbubuntis sa parehong petsa, ayon pa kay Cherley Mae Nicolas. 

Ang ilan pa sa kanilang mga magbabarkada ay itinago pa ang pagbubuntis hanggang sa may isa sa kanila na umamin habang ipinagdiwang nila ang kanilang friendship monthsary noong August 13. 

“‘Yung day na ‘yon, nagsabi siya sa amin na ‘Day, I have news. Buntis ako.’ Tapos ‘yon, natawa na lang kaming lahat. Sunod-sunod nagsabi na, ‘Ako rin," sabi pa ni Nicolas Mav Gonzales on “24 Oras Weekend.”

Kaya nagdesisyon silang magpa maternity shoot para i-flex ang kanilang mga baby bumps para ipagdiwang na rin ang "happy coincidence."

Kahit na ang kanilang photographer na si Marvin Ponce ay labis na napa-wow sa kanilang istorya. 

“Na-excite ako kasi first time ko nag-shoot ng group picture na maternity at mag-friends pa sila. Nag-wonder talaga ako kung paano nagsabay-sabay silang buntis,” sabi ni Ponce.

“Simple remembrance lang kasi talaga ang purpose ng shoot. It turns out na maraming natuwa…” ayon naman kay Cherley Mae.

Ilan sa mga friends nila ay nag expect na rin sa kanilang mga second babies. Sa katunayan, magkalapit lang din ang petsa ng kanilang mga first children. 

Simula pa noong 2009, magbe-bestfriends na talaga sila. Sa paparating na new members ng kanilang family, nangako sila na patuloy pa rin ang kanilang friendship para ang kanilang mga anak ay lalaki ring tulad nila.



Isa rin sa mga nag trending na balita ang pinagkakaguluhan noon sa social media na kahit sa edad na 70, hindi inakala ng isang babae na ito mararanasan pa niyang maging ina matapos niyang isilang ang kanyang kauna-unahang anak. 

Sa ulat ng GMA News Feed, sinabing 45 taon nang kasal sina Jivunben Rabar at mister niyang si Maldhari, at naging mahirap sa kanila ang magkaroon ng anak.

Ang mister umano ni Jivunben na si Maldhari ay 75-taong gulang na rin. 

Kaya naman nagdesisyon ang mag-asawa na sumailalim sa in vitro fertilization o IVF, kung saan tinatanggal ang egg cell ng babae mula sa obaryo, at ipe-fertilize ito gamit ang sperm cell ng lalaki sa laboratoryo.

Kapag na-fertile na ang egg, saka ito ibabalik sa bahay-bata ng babae para roon na tuluyang mabuo ang sanggol.

Labis ang tuwa ng mag-asawa sa unang pagkakataon na nabuntis si Jivunben, at ang tagumpay na pagkasilang ng sanggol sa kabila ng kanilang edad.


"When they first came to us, we told them that they couldn't have a child at such an old age, but they insisted. They said that many of their family members did it as well. This is one of the rarest cases I have ever seen!" sabi ng doktor na si Dr. Naresh Bhanushali.

Sinabi ng OB-GYN na si Dr. Marc Ancheta na 43% lamang ang tiyansa ng survival ng egg at embryo na kinuha mula sa mga babaeng edad 35 pababa, habang 15.6% ang tiyansa ng survival na kinuha mula sa mga edad 41 hanggang 42.