Pinag-uusapan ngayon sa social media ang latest photo upload ng Kapamilya actress na si Liza Soberano na kuha pa umano sa ibang bansa kung saan ipinagdiwang nila ni Enrique Gil ang kanilang pasko.

Sa nasabing larawan, nakasuot ng brown coat si Liza na nakaribbon ang tali sa bandang tiyan niya. Kaya naman aakalain na may baby bump ang aktres.

At ang post na ito ay humakot agad ng samu't saring mga komento mula sa mga netizen. Marami ang nagbigay ng kanilang komento tungkol sa naturang post.

May isang netizen ang nagtanong na kung buntis ba ang aktres. Makikita na ang sagot dito ay, busog lamang umano si Liza Soberano.

Ito ay dahil sa nakaraang  handaan nila, kaya kung titingnan ay tila lumalaki ang tiyan ng aktres.

Bwelta naman ni Marites ay kapansin pansin daw kasi sa mga post ni Liza sa Instagram na laging nakatakip ang tiyan nito. Wala rin umanong bagong upload ang dalaga.

Sinabi pa na grabe naman umano sa kabusugan ang aktres sa naging itsura nila sa photos nila ni Enrique Gil.

Samantala, marami namang mga fans ng "Lizquen" ang ipinagtanggol agad sila. 

“malaking babae kasi sya kaya pag nakain madami mukhang busog. relate much”

“Buntis o hindi walang problema. Kng buntis man edi party party isang enrique lang nman ang nakabuntis. At marami silang pera kaya nila buhayin anak nila. At kung hindi man edi better luck next time.”



“Juskopo tlga mga Marites ngayon gnyan. Busog ka lng o hndi mkpag exercise, issue agad.”

“Hirap pag pasko napakain ka lang, Buntis ka na”

Matatandaan, nag viral si Liza matapos hindi siya nakaligtas sa mga pambabatikos ng mga netizen sa binitiwan niyang komento. Marami ang hindi maintindihan ang kanyang sinabi. Sabi ng ilang mga netizen, huwag ng makialam sa isyu at manahimik nalang. 

Ilan sa mga netizen ay gigil na gigil na banatan ang komento ni Liza sa nangyaring kaguluhan dahil sa ipinatayong community pantry ni Angel. 

“Angel is just humble enough to say sorry. What happened wasn’t her intention but she felt that somehow she is responsible for it. That’s a major turn on for her. But for you to say that ‘You don’t need to say sorry,’ that’s a major turn off. Entitled ka ata masyado saka medyo insensitive ‘yon at medyo na-disappoint tao sa ‘yo dahil dyan. Tsk tsk,” pamumuna ni @jessamine018.


“Many people misunderstood my comment. I meant don’t say sorry to the people demanding a sorry from her that have nothing to do with the situation,” paliwanag ni Liza. Natural lang daw na mag-sorry si Angel sa nangyari lalo pa nga’t may namatay sa insidente.

Humingi naman ng tawad si Liza dahil sa kung ano man ang sinabi niya. Nasabi lang niya yun dahil sa mga nagagalit kay Angel at mga negative comments.