Pinag-uusapan ngayon sa social media ang 'possible reconciliation' nila ni Claudine Barretto at  Mark Anthony Fernandez. 

Si Claudie at Mark Anthony ay unang magkarelasyon noong mga teenager pa silang dalawa. Parehong 41-anyos na ngayon ang dalawa.

Pahayag ni Mark, “Posibleng magkabalikan kung mangyayari in the next three or four years. Pero kapag lumagpas na doon, parang imposible na, yun lang ang iniisip ko.

"Kapag hindi kami nagka-loving-loving in the next three years, wala nang mangyayaring ganoon, co-actors na lang kami.

"Pero kapag in the next three years or four years, nagka-jelling-jelling kami, puwede. Pero beyond that, hindi na ako aasa pa."

Muling nagkasama ang dalawa sa drama-suspense movie na "Deception."

Mula nang mag-umpisa at hanggang matapos ang shooting ng pelikula, ang pagbabalikan nila ang madalas na itinatanong ng entertainment press kaya tinuldukan na ni Mark ang isyu.

Sa isang panayam kamakailan, isiniwalat ni Claudine na nang-ghost siya kay Mark, na siyang nagtapos ng kanilang relasyon.

Pero for a good reason naman, aniya. Ayon kay Claudine, nag-cheat kasi si Mark.


“That was the time na nambabae siya,” pag-alala ng aktres sa isang interview. “One day I woke up and realized mas importante careers namin.”

Hindi rin umano siya nabigyan ng tiyansa para humingi ng tawad sa kanyang nagawa. Hindi naman ito umano labis na dinamdam ni Mark.

“We were never enemies. Though walang closure, we have remained friends,”  ayon kay Mark.


Panay rin ang puri ni Claudine sa aktor.

“He is a gentleman, always. Kahit dati pa. That’s why I still love him very much even now as a very dear friend. We don’t see each other often but we talk, we call each other.”

Teenagers pa lang ang dalawa nang sila ay ma-inlove sa isa't isa.  At noong taong 1996, naghiwalay sina Claudine at Mark Anthony.

Source: PEP