Naantig ang mga puso ng mga netizen sa istorya nila ni Ronnie at Roanne na higit na pinag-uusapan ngayon sa social media. 

Sa Facebook, hindi mapigilan ng mga netizen na maiyak at malungkot sa nangyaring pagkamatay ni Ronnie dahil sa pagsabog ng LPG tank. 

Ayon kay Roanne, maliban sa mga natamo niyang third-degree burns, pinuntahan pa rin umano siya ng kanyang asawa para tingnan ang kanyang kalagayan.

"He was already burned pero nagawa niya pa rin umakyat to check on me, kahit naghahabol na siya ng hininga." 

Kuwento pa ni Roanne, sinabi ni Ronnie na masaya pa rin si Ronnie dahil ayos lang ang kanyang wife na si Roanne.

Ang sinabi niya po sa akin habang nakahawak sa pisngi ko, 'Beb, okay na ako. Basta alam kong okay ka at walang nangyari sayo, masaya na ako. Kahit anong mangyari, masaya ako," ang sabi ni Ronnie kay Roanne.

Disyembre 18, 2021 nang nangyari ang trahedya. Gusto lang sana ipagluto ni Ronnie ang kanyang misis ng breakfast nang biglang sumabog ang LPG tank.

Sina Ronnie at Roanne ay apat na buwang kasal pa lamang at nakatira sa Parañaque.

Naibalita rin noon sa social media ang Facebook post ni Jeff Avila ng Tayabas, City, Quezon na ibinahagi ang kanyang labis na pagdadalamhati sa sinapit ng kanyang minamahal na asawa na si Alysa Mariz.

Tuluyan nang pumanaw si Alysa noong September 24, 2021, matapos ang ilang araw na pakikipaglaban nito sa kamatayan.



Ito ay matapos ang pagsabog ng LPG tank sa inuupahang apartment ng mag-asawa sa Casimiro Town Homes, Barangay Daniel Fajardo, Las Piñas City.

Nangyari ang pagsabog nitong September 10, 2021 ng umaga. 

Wasak at halos gumuho na ang bahay ng mag-asawa. Sugatan silang nakalabas ng bahay sa tulong ng mga residente sa lugar.

Hindi na rin nagpaunlak pa ng interview si Jeff dahil sa sobrang kalungkutan. Hindi nila halos maisip na ganoon ang kanilang sinapit. 

Ayon sa kanyang kwento bihira naman daw nila gamitin ang lutuan. Maaga daw silang gumising ng oras na iyon upang pumasok sa trabaho. Posibleng kinagat daw ng daga ang hose ng LPG tank dahilan para sumingaw ito.

Pagsindi daw nila ng lutuan ay doon na nagkaroon ng malakas na pagsabog.



Nagtamo ang mag-asawa ng matinding paso sa katawan. Halos mawala ang saplot sa katawan ni Alysa sa tindi ng pagsabog.

Nagtamo ng mga malalaking sugat ang katawan ng mag-asawa. Halos mawala ang saplot ng asawa ni Jef na si Alysa dahil sa tindi ng pagsabog.

Kwento ni Jeff sa kanyang Facebook, March 24 ang birthday ni Alysa, at July 24, 2021 sila ikinasal at September 24 naman ito namaalam. Hindi makakalimutan ni Jeff ang petsang ito. Ipinadama ni Jeff ang pagmamahal sa kanyang may-bahay.

Source: facebook