Viral ngayon ang beauty queen na si MJ Lastimosa matapos pinost ang naging reaksyon ni Kathryn Bernardo tungkol sa isyu na dawit ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla at si Barbie Imperial.

Sa pagpasok  pa lang ng bagong taon, panibagong isyu na naman ang tila pinakalat ni Xian Gaza na kaugnay umano kay Barbie Imperial, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo,” post niya habang naka tag pa umano ang dalawang aktres.

Tila nga idinadawit o idinidikit naman ngayon ni Xian Gaza si Barbie Imperial kay Daniel Padilla na siyang boyfriend ngayon ni Kathryn Bernardo.

Sa sumunod na post nito ay nagbahagi siya ng isang larawan kung saan magkalapit sina Barbie Imperial at Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla, “Si Barbie ba yung nasa likod ng mom ni DJ?,” caption niya rito.

Maging ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay pinariringgan niya sa kanyang post na kung ano umano ang ginagawa ni Barbie sa bahay nila sa nakitang photo na nag viral online. 

“Karla Estrada Madam, wala po akong balak siraan yung anak niyo dahil mataas po respeto ko sa mga lalaking kamukha ko. Ang nais ko lang po ay malinawan. Ano pong ginagawa ni Barbie sa bahay niyo? May namamagitan po ba sa kanilang dalawa ni DJ?” 


Sa panibagong post ni Xian, tila idinidikit naman niya si Barbie Imperial na siyang boyfriend ngayon ni Kathryn Bernardo.

Maging ang naging caption ni Barbie Imperial matapos siya magpalit ng display profile ay hindi pinalampas ni Xian. Ang caption ay, "new year, new dp" na kaakibat ng post ni Xian na may caption din na, "ano ba talaga meaning ng DP? Default Picture or Display Photo?

Samantala isang avid fan ang siyang nagbahagi ng post niya kay Daniel, “Ang Bumangga giba,” caption ng post na sinend kay Daniel.



“Salamat haha, Pero wag niyo ng pansinin yun. Nonsense,” reply ni Daniel sa naturang mensahe. Hindi malinaw kung ito nga ba ay sagot ni Daniel para sa intriga ni Xian, ngunit angkop naman sa nangyayari na hindi na dapat pang pansinin ang patutsada ni Xian sa kanila.

Samantala, ayon kay MJ Lastimosa, nakausap niya umano si Kathryn tungkol sa nasabing isyu at natawa na lang umano sila sa kumalat na isyu. 

“Alagang Ford po, opo,” ito lang ang tanging naisagot ni Kathryn sa umuugong na isyu noong tinanong siya ng beauty queen.

"Kabogera 'yun trending topic," sulat naman ni MJ Lastimosa sa kanyang post. 

Source: KAMI