Walang kaarte-arteng inamin ni Nadine Lustre sa harap ng publiko ang dahilan na kung bakit hindi umano siya nagsusuot ng mga colored OOTDs. 

Tulad ng karamihan sa mga ordinaryong Filipino, may isang problema rin si Nadine pagdating sa isang bahagi ng kanyang katawan na aniya’y sobra kung pagpawisan.

Sa isang vlog ng beauty doctor na si Aivee Teo, diretsahang sinabi ng actress-singer na si Nadine Lustre na problema rin umano niya ang kanyang underarms. 

Matinding pinagpapawisan ang kanyang kili-kili lalo na kapag sobrang init ang panahon, kaya lalo nagkakaroon ng visible stains kapag colored ang kanyang damit.

“My issue is that I can’t wear grays, I can’t wear anything colored. Because when I sweat, it’s really here sa back. I sweat a lot,” ang pagpapakatotoo ni Nadine.

Kaya pala palagi na lang naka sleeveless tops o di kaya puti ang kanyang mga OOTD sa mga pictorial o showbiz events ang akttes dahil sa nasabing dahilan.

Sagot naman ng tinaguriang beauty doctor to the stars sa rebelasyon ng aktres, “Wow! This is the first time we’re actually talking about that.”

Ito raw umano ang dahilan kung bakit pumayag si Nadine sa Botox injections na gagawin sa kanyang armpit area. 


Ito ay isa sa mga treatment na gagawin upang maiwasan ang "excessive underarm sweating."

Ayon kay Aivee, dalawang session ng Botox injections (twice a year) ang gagawin niya kay Nadine. 

“Finally I’m doing (the treatment), and I’m really excited to wear colored clothes,” chika naman ni Nadine.

Nag trending noon ang pasaring ni Cristy Fermin tungkol kay Nadine Lustre dahil sa umano sa 'pa-show' ni Nadine.

Pinuna ni Cristy ang aktres na kung bakit ayaw umanong magdamit ng aktres sa lugar ng Siargao. 

Ayon pa dito, lumalakad daw itong walang damit kahit bibili lang naman ng sarsa ng lechon. Kitang kita umano ang buong katawan ng aktres. 

"Ikaw na hitad ka, ayaw mo magdamit, pa-show ka nang pa-show kahit saan, bibili ka lang ng sarsa ng litson, kitang-kita buong katawan mo.

"Si Nadine pumapa-show sa Siargao...Lakad nang lakad, rampa nang rampa na naka-two piece...Ewan ko noh kung bakit ayaw niya magdamit," banat ni Cristy kay Nadine.


Dagdag pa nito, naging sentro na raw si Nadine ng body shaming. Minsan nga, may isang netizen na nagbigay ng komento tungkol kay Nadine at sinabi nitong tumataba na ang aktres. 

"Para di ka naba-bash, magtapi ka," ani ni Cristy. 

Sa kumalat na post, maraming mga netizen ang hindi natuwa sa mga pasaring ni Cristy Fermin sa aktres lalong lalo na ang mga fans ni Nadine. 

Source: bandera