Trending na trending ngayon sa social media ang latest vlog ni Ogie Diaz matapos inimbitahan niya si Paul Salas para sa isang panayam. 

Sa naging panayam ni Ogie kay Paul, diretsahan niyang tinanong ang aktor tungkol sa old isyu nila ng kanyang dating ex-girlfriend na si Barbie Imperial. 

Ito ay matapos umanong nag post si Barbie tungkol sa mga "alleged abuse" ni Paul Salas sa kanya.

Ngunit, ang isyu na ito ay itanggi naman ng aktor. Wala umano siyang ginawang pang-aabuso kay Barbie Imperial. 

Ogie to Paul: Ang daddy mo rin ba ang naisip mo nung hindi namin naringgan si Paul na sumasagot dun sa issue ni Barbie Imperial.

"Na parang ang conclusion nung iba, dahil nagpakita ng mga pasa si Barbie, eh sinaktan mo siya physically," sabi ni Ogie.

Ayon kay Paul, inisip niya noon ang kanyang pamilya noong umugong ang isyu tungkol sa pang-aabuso niya umano kay Barbie. 

"Naisip ko po kina dad nun kasi, nag-aalala ako sa kanila kasi sila po yung inis na inis. Kasi alam po nilang hindi ako pinalaking ganun, kaya rin sila inis na inis kasi wala rin silang magawa," aniya. 

"Pinili ko talagang hindi magsalita kasi minahal ko yun eh. Kung ano man naging problema namin, gusto ko sa akin na lang yun," dagdag pa ni Paul.

"But you never hit her?" tanong ni Ogie kay Paul. Agad namang sumagot ang aktor, "Never po. Hindi po kami nagkakasakitan ni Barbie." 

Sa isa pang isyu, kamakailan lang, hindi nagpaawat ang aktres na si Barbie Imperial matapos diretsahan niyang sinagot si AJ Raval tungkol umano sa isyu na 'alleged affair' ng kanyang boyfriend at AJ Raval.

Nagpahayag ng kanyang pagkadismaya si Barbie kay AJ dahil sa patuloy na iginigiit ni AJ na may namagitan sa kanila ni Diego Loyzaga. 



Sa kanyang interview kay Abunda, nagsalita si Barbie tungkol sa mga "recent accusations" ng social media personality na si Xian Gaza. 

Sa kanyang interview with Boy Abunda sa Kumu program nito na "The Best Talk," dito na inilabas ni Barbie ang kanyang mga salita laban kay AJ Raval. 

Si Gaza umano ang nag publish ng isang "blind item" tungkol sa isang couple fight na inakausahang naka- damage ng isang hotel room. 

Binanggit naman ng social media personality ang pangalang Imperial at Loyzaga. At sinabi pa rito na ang dahilan umano ng kanilang away ay ang 'alleged affair' ni Loyzaga kay Raval. 

“Noong una, gigil na gigil ako, gusto ko hanapin ‘yung number niya,” Imperial said, referring to Gaza. “Pero, pinag-pray ko lang ‘yung tao na ‘yun. Alam ko kasi na iyon ang gusto niyang mangyari, so hindi ko iyon ibibigay sa kaniya. 

“‘Yung akin, alam namin ni Diego na wala kaming ginagawang masama. Masaya kami, happy kami na magkasama. Bakit pa namin pagtutuunan ng pansin ‘yung tao na naninira sa amin?

“Noong una, nakaka-stress siya, pero noong nag-usap kami ni Diego, sabi namin, hindi namin hahayaan na ‘yung isang tao na ‘yung ang sisira,” pahayag ni Barbie.

Dinepensahan naman ni Imperial ang kanyang boyfriend tungkol umano sa kumakalat na akusasyon na may namamagitan sa kanila ng kanyang boyfriend at AJ. 

“Kilala ko si Diego. Kilala ko siya. Lahat ng binibintang sa kaniya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yun. Hindi totoo,” paliwanag ni Barbie.

“Kung kaya ko lang sabihin live kung bakit alam ko na hindi totoo, sasabihin ko, pero ayoko naman na kasi na mangsira ng ibang babae. Pero alam ko na hindi totoo.

“Mararamdaman mo ‘yun, e, kapag nagloloko sa ‘yo ang tao,” aniya. 

Ayon pa kay Barbie, noong isinasagawa pa lang ang film na "Death of a Girlfriend," in a relationship pa sa AJ Raval noon kay Axel Torres. 

Ngunit nagkahiwalay din ang dalawa, at nitong October lang, nalaman na lang ng mga netizen na may kinikita na ang aktres na isang ring aktor na si Aljur Abrenica. 


“Kung wala kang kinalaman, o alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka,” she said. “For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat — na nagka-thing kayo ni Diego?”

Inakusahan din ni Barbie si AJ na siya mismo ang nagbibigay ng impormasyon sa social media personality. 

“Parang, ako, ‘Oh, gusto mo pala ‘to,’” sabi niya.

Itinanggi naman ni Gaza ang mga akusasyon ni Barbie laban sa kanya at tinawag pa nga itong "fake news."

Samantala, si AJ Raval ay inactive ngayon sa social media matapos ang separate controversy nila ni Aljur Abrenica at latter estranged wife na si Kylie Padilla. 

Imperial to Raval: “Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.”

“Sobrang tahimik ako about the issue. Ang dami ko na ring naririnig, pero hindi ko na kinakaya. Alam mo na ganoon ‘yung lumalabas na isyu, bakit hindi na mismo ikaw ang magpatahimik at alam mo naman na hindi ka naman gusto ng boyfriend ko.

“Ang tagal ko nang nananahimik. ‘Yung boyfriend ko na ‘yung kawawa na pinagbibintangan na nag-chi-cheat sa akin. Hindi naman nag-chi-cheat si Diego sa akin,” aniya.

Si Barbie Imperial at Diego Loyzaga ay mag couple sa loob ng isang taon na rin. 

Si AJ Raval, 23, at si Diego Loyzaga, 26, ay magkatambal sa isang romance thriller na Death of a Girlfriend" na pinapalabas kamakailan lang. 

Panoorin ang buong video dito!