Malungkot na sinabi ni Ogie Diaz na umakyat na ang kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act 2012 na isinampa ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim laban kay Enchong Dee. 

Ayon kay Mama Ogie, kasama siya pati si Pokwang at Agot Isidro na idenemanda ni Bautista sa kasong cyberlibel.

Samantala, kinumpirma ni Ogie na ibinasura ng piskalya ang reklamong cyber libel laban sa kanya pati kina Agot at Pokwang.

Sinabi ito ni Ogie sa presscon ng Tiger Winx, na dinaluhan ng PEP.ph at ibang reporters, nitong January 3, 2022.

"Kaya rin di ko masyadong dini-discuss 'yan kahit sa YouTube ko kasi siyempre yung kasama namin ay nandun.

"Masarap magbunyi kung lahat kayo panalo, di ba? Magbubunyi ka tapos yung kasama mo, nandun pa rin siya.

"Siyempre sad ako for Enchong. Sana maayos, sana ganun din ang kalabasan tulad ng sa amin.

Pero hindi pa rin naman tapos, hindi natin alam kung ano yung next move nila.

"Tapos na kami, pero depende na lang kung iaapela nila.

"Siyempre lahat kami nasampahan ng kaso pero nagkataon lang siguro na yung sa amin simple kaya nabasura."

Tinanong si Ogie kung nakapag-usap na ba sila ni Enchong o ni Congresswoman Bautista na nagsampa ng reklamo sa kanila.

"Hindi ko pa nakakausap si Enchong mula nung ma-dismiss yung sa amin. Si Cong? di ko siya kilala personally," sagot ni Ogie.

Aminado si Ogie na mayroon ng "conscious efforts" sa parte niyang maging mas maingat sa susunod na magbibigay siya ng opinyon tungkol sa mga isyu lalo na sa mga sensitibo. 

Malungkot ang magiging pasok ng 2022 para sa aktor na si Enchong Dee dahil sumampa na umano sa korte ang kasong cyberlibel na inihain sa kanya ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim, party list representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER.

Tiyak na magiging malaking abala sa aktor ang pag-attend sa hearing dahil isinampa umano ang kaso sa korte sa Davao Occidental.


Nanatiling tahimik si Enchong na karaniwang madalas mag post sa social media ng kanyang mga saloobin tungkol sa iba't ibang isyu. 

Ang reklamo ay kaugnay umano sa ma malisyoso at mapanirang mga salita na ginawa ng aktor sa pamamagitan ng pag post sa social media tungkol sa kasal ng negosyanteng si Jose French "Tacker" Lim na ginanap sa Balesin Island Club, isang exclusive resort sa Quezon.

Sinabi ni Rep Bautista-Lim na malaking kasiraan sa kanyang pangalan at karangalan ang naging post ni Enchong sa social media.

Sinabi pa ng aktor na ang perang ginamit na panggastos umano para sa kasal ng dalawa ay galing umano sa public funds.

“Enchong went as far as saying that I used public coffers to fund my wedding by categorically saying that ‘The money for commuters and drivers went to her wedding’, to the detriment and injury to my honor and name… The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official,” bahagi ng salaysay ng mambabatas.


Matatandaang, kinumpirma noon ni Rep. Claudine Bautista-Lim nitong Biyernes lang, na noong Agosto, ng taong ito pa raw niya inihain ang kasong P1-billion cyber libel laban sa aktor na si Enchong Dee. 

“As we have the utmost respect for our legal system, we filed the case in August without fanfare. We are not aware of how the media learned about the case and why it was published in the news recently,” Rep. Claudine Bautista-Lim, of the Drivers United for Mass Progress and Equal Rights - Philippines Taxi Drivers Association (DUMPER-PTDA) party-list," pahayag ni Rep. Claudine. 

“I would like to clarify that any legal action coming from us was instituted back in August of this year, upon my husband’s insistence and in response to the malicious allegations made against me at that time,” dagdag pa niya. 

Ito ay matapos magbitiw ang aktor ng mga mapanirang salita tungkol umano sa magarbong kasal ni Claudine sa Balesin Island Club Resort sa Polillo, Quezon. 

Si Claudine ay ikinasal sa negosyanteng si Jose French “Tracker” Lim via civil wedding noong February 20, 2021 at sa Balesin noong July 28, 2021.

Sa isang controversial tweet umano ng aktor, binabatikos niya ang napaka magarbong wedding ni Rep. Claudine at sinabi pa niya, ito ang pera na galing sa mga "commuters at drivers" na ginamit sa event. 

Nabanggit din ng aktor na isa si Bautista-Lim sa mga bumoto para ipasara ang ABS-CBN network na kung saan doon nagtatrabaho ang aktor. 

Kalaunan ay humingi naman ng tawad ang aktor sa sinabi niya kay Bautista-Lim. Inamin niyang "reckless" lang daw siya sa time na iyon. 

Ngunit sa reklamong inihain ni Claudine, “Enchong went as far as saying that I used public coffers to fund my wedding by categorically saying that ‘The money for commuters and drivers went to her wedding’, to the detriment and injury to my honor and name…”

“The posts were meant nothing more than their malicious intentions of maligning my person, depicting me as a corrupt public official,” dagdag pa niya.

Humihingi si Claudine ng moral damages na nagkakahalagang ₱500,000,000 kasama ang exemplary damages na nagkakahalaga rin ng ₱500,000,000.

Bagama’t inamin niya nakarating sa kanya ang public apology ni Enchong tungkol sa isyu noon, ngunit sinabi niyang hindi umano ito sapat.

“He was not sorry to me and for the damage that he has done. He just wants to deflect, albeit unsuccessfully, this criminal charge against him…”

“This does not do any good for him. It only bolstered and magnified his admission of guilt beyond reasonable doubt for his unprovoked and baseless libelous remarks," pahayag ni Lim. 


Isinalaysay ni Claudine na August 16, 2021 nang magulantang siya sa sunod-sunod na text messages at private messages mula sa mga kapamilya, kaanak, at kaibigan.

“He and his lawyers chose to pursue the case, not just because he and his family—who value their privacy and are focused on their businesses-- were unfairly dragged into the whole issue, but also, or more so because he saw the heavy toll that the attacks took on my health, particularly on my sensitive pregnancy,” she added.

Dagdag pa ni Bautista-Lim, ang mga paratang na ito laban sa kanya ay nagbigay umano ng "anxiety, anguish at humiliation" na nakakaapekto umano sa reputasyon ng kanilang pamilya. 

Source: PEP