Marami ang natawa dahil sa naging reaksyon ng isang aktres na si Regine Velasquez matapos mapasama ang kanyang pangalan sa listahan ng mga Marites. 

Ang post na ito ay ibinahagi pa umano niya sa social media ang nag trending na mga pangalan na umano'y sinasabi na  'Top 39 Marites of the Philippines.'

Ang naging caption pa ng aktres sa naturang post ay, "alam nila!"

Ka-level nga ni Regine ang mga chismosa rin na sina Aida, Lordes, Flor, Shirley, Linda, Beth, Kristina, Vicky, Roxanne, Nicole, Stephanie, Fely, Irene, Jean, Ester, Charlene, Bianca, Ronna, Perla, Rose, Geraldine, Marichu, Lanie, Vivian, Marisa, Grace, Susan Joyce, Danica, Jessa, Dolly, Valerie, Eva, Joceylyn, Carmela, Francisca, May, Nenita.

Ayaw maniwala ng mga fans ni Regine na 'marites' siya. Hindi raw totoo at pabiro pang sinabi na hindi totoo dahil wala umano ang mga pangalan nila ni Lolit at Cristy. 

Matatandaan, isa si Regine Velasquez sa nagbigay ng tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa pamamagitan ng kanyang benefit concert.

At sa nasabing concert na ito, nag donate ng Php 500,000 sina Vice Ganda at ang kanyang nobyo na si Ion Perez.

Muling gumawa na naman ng ingay ang tinaguriang Pambansang "Boy Marites" na si Xian Gaza sa social media matapos tinanong niya si Ion Perez kung magkano ang ambag nito sa Php 500K donation drive nila ni Vice Ganda. 

Masaya naman umano si Xian Gaza, ngunit malaki lang ang kanyang katanungan kung magkano nga ba ang naging ambag ni Ion sa ginawang donation. 

“Salamat sa tulong ninyo para sa ating mga kababayan! May God bless you both!” 

“Bilang isang Marites, gusto kong malaman kung magkano ang totoong ambag ni Ion sa 500K," komento ni Xian.

Ipinaliwanag naman ni Xian na hindi masasabing "conjugal donation" dahil hindi pa naman kasal sina Vice at Ion. 


“No hate. Just pure humor. If you find it very offensive sa part ni Ion, here's the logic: Magiging conjugal lamang ang isang donation kung kayong dalawa ay kasal na. Hangga't hindi pa kayo kasal, yung financial donation ninyo ay titignan as separate amounts,” dagdag pa nito.

“Ang tanong ngayon, sa 500K na yan... magkano yung galing kay Vice at magkano yung galing kay Ion?” tanong ni Xian.

Kamakailan lang ay nag trending noon ang isang mamahaling motor na nagkakahalaga ng tatlong milyon ng isa sa mga sikat na aktor na si Ion Perez. Ngayon naman, marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga reaksyon at komento tungkol sa mamahaling sasakyan na ibinahagi ni Ion sa social media.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktor ang larawan ng kanyang mamahaling sasakyan. Sa kanyang post, isang kulay asul na kotse ang kanyang pinakita habang nakatayo siya sa harapan ng kotse.

Nakalagay sa kanyang caption, "Ranger Blue" habang ipini-flex ang kanyang magarang sasakyan.

Hindi nakaligtas si Ion sa mga komento ng ilang mga netizen. Ilan sa mga komento na hindi nagustuhan umano ng aktor ay ang pagsabi ng isang netizen na "katas ng bakla" at "ang katas ng katas ni ion, malayo talaga mararating mo kapag may kabayo ka."


Matatandaang hindi galing sa gaanong mayaman ang pamilya ang hunk celebrity na si Benigno Dungo Perez o mas kilala bilang Ion sa noontime show na "It's Showtime."

Una siyang nakilala nang maging escort siya sa isang segment ng programa na Ms. Q and A. Sa segment na ito, kasama niya si Jackie Gonzaga o kilala sa sikat na screen name na "Ate Girl" na kalaunan ay naging ka-love triangle ng isa sa mga host ng It's Showtime na si Vice Ganda.

Noong una ay biruan at pawang pagpapatawa at pagpapakilig lang ang pagiging sweet noon ni Ion at Vice Ganda sa isa't isa. Marami ang nag akala na baka para lang ito sa ikasasaya ng mga manonood ng nasabing show.

Source: facebook