Naglabas na ng pahayag ang nasabing Pinoy psychic na si Rudy Baldwin at inilarawan ang kanyang mga predictions sa taong 2022.

Tatlong salita ang ginamit ni Baldwin para ilarawan ang mga kaganapan sa taong ito; disaster, success at depression. 

Ang kanyang pangitain sa ap0y at tubig ay isang paalala na dapat tayong mag-ingat sa posibilidad ng mga aksid3nte sa sun0g at iba pang mga sakun4. 

Nagbigay din siya ng ilang mga babala tungkol sa pagkawasak ng ating kalikasan na hahantong sa mga kalamidad.

Heto ang ilan sa mga nakita ni Baldwin sa kanyang mga pangitain;

Mga sakuna at aksidente

Ayon kay Rudy, ang hamon ng kalikasan na magdadala ng matinding sakuna ay isa lamang sa mga nakikita ni Rudy sa kanyang vision.

Aniya, "ang taon ng 2022 ay taon ng disaster, na kung saan ang hamon ng kalikasan ay mas malakas. Kumbaga mas makapangyarihan sa pagkakataon na hindi mo inaasahan."

"Nakikita ko ang taong 2022 na halos ang pangyayari ay puro lindol…lindol na paulit-ulit. Pagput0k ng bulkan ay nakita ko, lalo na sa ibang bansa," dagdag pa niya.

Maliban diyan, mayroon din umanong malakas na bagyo na papasok ngayong taong 2022. May dalawa umanong bagyo na maihahalintulad sa Bagyong Yolanda o mas hihigit pa. 

"May dalawang bagyo na papasok sa bansa na maihahalintulad ko sa Bagyong Yolanda o higit pa."

Nakita rin niya umano sa kanyang vision na isa siya sa mga maaaksidente dahil sa lakas na dulot ng bagyo.

"Basta isang bagyo ito na isa ako sa mapapahamak. Hindi lang po kayo, kung hindi isa ako.


"Nakita ko 'yung bandang braso ko nasabit sa isang kahoy na may pako," pahayag ni Rudy. 

Ilan pa sa mga sakuna at mga kaganapan ang nakikita niya na mangyayari sa 2022 ay ang aksidente sa karagatan at sa himpapawid, pagguho ng lupa at aksidente na dulot ng kalikasan, at mga sunog.

"Hindi ko naman ito ipinanalangin na mangyari, pero siyempre tulungan ninyo ako manalangin. Kasi hindi ko rin naman kaya mag-isa po ito," aniya.

Depresyon

Nilinaw ni Baldwin na bagamat matagumpay ang taong 2022 pagdating umano sa usapin ng pera, ito rin umano anh taon na tataas ang bilang ng mga tao na makakaranas ng depresyon na posibleng dahilan na tataas din ang bilang ng kaso ng suicide.

"Hindi ko sinabi na ang taong 2022 ay masamang taon. May success eh, maganda ang pasok ng pera, pero 'yun nga lang, siya namang dami 'yung taong nade-depress."


"So, hindi natin malalaman saan tayo lulugar eh. 'Pag walang pera, nade-depress. 'Pag may pera, nade-depress."

Eleksyon

Samantala, sa usaping eleksyon naman, hindi nagbigay ng pahayag si Baldwin kung sino ang posibleng mananalo sa nalalapit na eleksyon ngayong 2022.

Ngunit, ayon kay Baldwin, nakikita niya umano na isang magulong eleksyon ang magaganap ngayong 2022.

Ilan nga sa naging prediksyon ni Rudy ay ang mga kr1men, aksidente, at biglaang pagk4m4tay ng mga kandidato.

May nakikita din daw siya na mga masasaw1 dahil sa s4kit o aksid3nte. Mayroon din daw kr1men na mangyayari sa mga reporter at kapulisan.

May nakita akong nagkas4kitan. 'Yung isa naman, inat4ke sa s4kit. Kailangan siguro ng mga kapulisan ng mahigpit na pagbabantay."

"Maging maingat lamang kasi sa vision ko, may nakita po akong mga kandidato po na biglaan po 'yung pagkasawi nila, bago mag-eleksyon o darating sa mismong araw ng eleksyon," sabi pa ni Rudy.

Showbiz

Magkahalong saya at lungkot naman ang naging prediksyon ni Baldwin sa industriyang ito.

Ayon sa kanya, magkakaroon umano ng unexpected weddings at mga oportunidad para sa ilang artista sa Hollywood o sa ibang Asian country.

"Maraming artista na makakapunta sa ibang bansa, parang niyaya sila para gumawa ng pelikula."

Ngunit, sinabi ng psychic na may mga ilang pagkasawi umano ng mga vloggers at mga artista na maaaring mangyayari sa 2022.

Dagdag niya pa, mayroon daw na baguhan at kilalang artista na babaw1an ng buhay dahil sa s4kit o aksidente.

"Meron isang kilalang tao pa…mga sa social media, sa showbiz…ikinalulungkot ko kasi sa vision ko, nasaw1 po siya. Hindi po niya kinaya ang depression.

"Itong pagkasaw1 niya is tulog (siya), pero alam po ng pamilya niya na stressed siya, depressed siya."

Mayroon din daw celebrity na maaaring masun0gan ngayong 2022.

Pandemya

Ayon sa psychic, hindi pa umano matatapos ang pandemya sa taong ito. Malaki rin umano ang posibilidad na tataas pa ang kaso ng pandemya sa bansa.

"Sa taon na darating at sa mga sumusunod pang taon, hindi pa matatapos talaga 'yung pandemya, to be honest."

"Ako, direstahin ko na kayo, 'pag narinig n'yo sa balita na bumababa na siya, ayan na naman kayo, siksikan to the max, umpukan na naman. Wala na lahat. Wala na. Tataas na naman po tayo."

Ekonomiya at Negosyo


Ayon sa Pinoy psychic, ngayong taon daw ay unti-unti ng makakabawi ang ating bansa kaya't nakikita niya na maganda ang magiging takbo ngayon ng ating ekonomiya.

Ngunit, nagbigay ng babala ang psychic sa mga negosyo na mayroong kinalaman sa electronics at pagkain dahil maaaring ang mga ito ay makakaranas ng sunog at pagnanakaw. 

Ilan sa mga ito ay ang mga naging matinding pangitain ng psychic sa mga maaaring magaganap sa taong 2022. 

Ngunit, ang lahat ng ito ay maaari pang mapigilan sa pamamagitan ng pagdarasal at ang pagiging matatag sa ating pananampalataya. 

Panoorin ang buong video dito!