Hindi na nag paligoy-ligoy si Ogie Diaz sa kanyang latest showbiz vlog na tanungin si Seth Fedelin kung nanliligaw nga ba siya sa Kapamilya aktres na si Francine Diaz. 

Si Seth at Francine ay parehas na miyembro ng Gold Squad kasama ang kanilang mga ka-love team na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri na nagsimula sa Kapamilya teleserye na “Kadenang Ginto”.

At ngayon, kontrobersyal ang Gold Squad dahil sa nag viral na family picture nila ni Francine Diaz kasama si Seth noong New Year.

Matapos na nag viral ang mga larawan, namataan agad ng mga netizen na nag unfollow si Andrea Brillantes kay Francine sa Instagram.

Nag-follow muli si Andrea kay Francine matapos mapansin ng mga “Marites” ang pag-unfollow na naganap at ilang oras pa lang ang nakalipas nang biglang parehas na silang naka-unfollow sa isa’t isa.

Sa pag-uusap nina Ogie at Mama Loi, at Dyosa Pockoh, nagbigay ng sariling opinyon ang talent manager tungkol sa nag viral na isyu.

Para sa kanya, wala naman umanong namagitan sa kanila ni Adrea at Seth. Pure love team lang umano talaga sila.

“Bilang manager, siguro itong si Andrea medyo na-off kasi baka feeling niya, ‘Sandali, inaalagaan natin yung love team natin e, ako lang ba mag-aalaga? Di ba dapat tayong dalawa? Bakit may FranSeth?’,” pagbabahagi ni Ogie.


Maari rin daw na dumalaw lang si Seth kina Francine dahil nga magkaibigan sila at labis na na-excite ang ina ng aktres kaya naibahagi nito ang kanilang larawan kasama si Seth. 

Chika naman ni Mama Loi, hindi naman daw ito ang unang beses na napag-usapan sina Seth at Francine.

Noon pa man, kumakalat na ang tsismis tungkol sa dalawa bago pa ang nag viral na New Year photos nila.

“Seth, nanliligaw ka ba kay Francine kaya ka nasa bahay nila? Na-excite ‘yung nanay kaya ipinost yung picture n’yo,” diretsahang tanong ni Ogie.


Dagdag pa niya, ang mga taong involved sa isyu ang siyang tanging makakasagot sa kontrobersiyang ito at sila lamang ang tanging makapagbibigay lamang ng konklusyon sa isyu. 

Ayon din kay Ogie, huwag masyadong gatungan ang ang isyu lalong lalo na mga bagets pa raw ang involve at hayaan na lang daw para masanay ang mga ito sa pagharap ng ganitong mga klaseng sitwasyon. 

Sa ngayon, nanatiling tahimik ang members ng Gold Squad tungkol sa isyu. 

Source: bandera