Nag trending ngayon ang reaksyon ni Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao sa cryptic post umano ng isang architect na si Oliver Austria.

Sa kanyang Facebook page, nag post ang architect ng isang photo ng isang preview ng "supposed" dream house nila ni Alodia at Wil. 

Nakalagay sa mismong caption ni Oliver, "Hi, ako nga pala ang sinayang nyo."

Agad naman nag reply si Wil at sinabing, "Okay lang yan pre gawa tayo bago ulit."

“lesdudis mah dude, tig isa kayo ng bahay?? haha, stonks!!” reply naman ni Oliver sa komento ni Wil.

Samantala, ibinahagi naman ito ni Alodia sa kanyang Facebook account na may pleading face at prayers emoji. 

Matatandaan, si Oliver Austria ang kinuhang architect nila ni Alodia at Wil para siyang mag disenyo ng kanilang "dream house."

Marami ang nalungkot noon dahil  sa balita tungkol sa vlogger na si Alodia Gosiengfiao  na hiwalay na sila ng kanyang American-Filipino boyfriend.

Sa Facebook, nitong Linggo lang, kinumpirma ng dalawa ni Alodia at ng kanyang boyfriend na si Wil Dasovich ang kanilang hiwalayan.

"To those asking, wala na kami. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be," post ni Alodia.

"I hope you respect our privacy during this time in our lives," dagdag pa niya.

Matatandaang, opisyal na ipinakilala ng couple ang kanilang "future home" sa social media noong October 16 ng taong ito. 



Ang napaka garbong bahay ay dinesenyo pa ng isang arkitekto na si architect Oliver mula Austria. 

Sa kanilang interview noon sa YouTube, inilarawan nila na ang disenyo na kanilang napiling ipagawa ay isang Japanese-inspired design. 

Maraming mga netizen ang labis na namangha sa disenyo ng kanilang bahay, lalong lalo na sa basement kung saan nandoon nakalagay ang gaming area.

Sa bahay na kanilang ibinida noon sa social media, maraming mga tao ang nagsabi na handang handa na silang dalawa para tumira sa iisang bubong. 

Iyon nga lang, lumabas ang balitang hiwalay na ang dalawa. Marami na ang naintriga kung ano na ang mangyayari sa kanilang bahay.

“Pano na po yung dream house nyo ms. A,” tanong ng isang netizen.

“Hello madam Alodia Gosiengfiao sorry to tell you this but. . how about the house!! It’s canceled ?. Ganda pa naman ng art ni sir oliver Austria .. btw praying for you both for healing hearts. Godbless!” tanong pa ng isa pang netizen. 


Samantala, hindi pa nagsasalita ang Filipino-American na boyfriend ni Alodia tungkol sa umuugong na isyu. 

Marami namang mga netizen ang nagparating ng kanilang mga sentiments sa comment section tungkol sa hiwalayang Alodia at Wil.

“Wil kaya mo yan plsss don't give up kay Alodia.”

“Stay strong kuya Wil.”

Source: KAMI