Gumawa ng ingay ngayon sa social media ang ex-boyfriend ni Alodia na si Wil Dasovich matapos mag post ng mga 'hugot' tungkol fabricated relationship drama.

Ayon kay Wil, ang mga tao raw ay mahilig gumawa ng drama at mga negative stories para sa kanilang sariling entertainment lang din.

Sabi pa ni Wil, ang mga tao ay mahilig sa drama, kung paano ang pag switch ng isang letter mula sa caption, naging dahilan ng mga tao na gumawa ng mga fake narratives o pagiging creative, at joke pero sa hindi offensive na paraan. 

"What looked like another round of fabricated relationship drama turned into a viral meme that made millions of people laugh." 

"When life gives you lemons, make buko juice," post ni Wil sa kanyang Instagram.

Sabi ni Wil, "things don't make sense, however these things make people laugh, and it is the beauty of the mem culture. 

Ayon sa vlogger, ang moral of the story nito ay huwag masyadong i-seryoso ang mga bagay-bagay.

Dagdag pa nito, ang tanging bagay na pinanghihinayangan niya ay ang kanyang previous body.

Kamakailan, marami ang nalungkot sa balita matapos kinumpirma ng vlogger na si Alodia Gosiengfiao  na hiwalay na sila ng kanyang American-Filipino boyfriend.

Sa Facebook,  kinumpirma ng dalawa ni Alodia at ng kanyang boyfriend na si Wil Dasovich ang kanilang hiwalayan.

"To those asking, wala na kami. It's been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be," post ni Alodia.

"I hope you respect our privacy during this time in our lives," dagdag pa niya.

Matatandaang, opisyal na ipinakilala ng couple ang kanilang "future home" sa social media noong October 16 ng taong ito. 



Ang napaka garbong bahay ay dinesenyo pa ng isang arkitekto na si architect Oliver mula Austria. 

Sa kanilang interview noon sa YouTube, inilarawan nila na ang disenyo na kanilang napiling ipagawa ay isang Japanese-inspired design. 

Maraming mga netizen ang labis na namangha sa disenyo ng kanilang bahay, lalong lalo na sa basement kung saan nandoon nakalagay ang gaming area.

Sa bahay na kanilang ibinida noon sa social media, maraming mga tao ang nagsabi na handang handa na silang dalawa para tumira sa iisang bubong. 

Iyon nga lang, lumabas ang balitang hiwalay na ang dalawa. Marami na ang naintriga kung ano na ang mangyayari sa kanilang bahay.

“Pano na po yung dream house nyo ms. A,” tanong ng isang netizen.

“Hello madam Alodia Gosiengfiao sorry to tell you this but. . how about the house!! It’s canceled ?. Ganda pa naman ng art ni sir oliver Austria .. btw praying for you both for healing hearts. Godbless!” tanong pa ng isa pang netizen. 


Samantala, hindi pa nagsasalita ang Filipino-American na boyfriend ni Alodia tungkol sa umuugong na isyu. 

Marami namang mga netizen ang nagparating ng kanilang mga sentiments sa comment section tungkol sa hiwalayang Alodia at Wil.

“Wil kaya mo yan plsss don't give up kay Alodia.”

“Stay strong kuya Wil.”

Source: KAMI