Matapos napag-usapan sa social media ang buradong Instagram story ni Kyle Echarri na kasama ang aktres na si Andrea Brillantes at Darren Espanto, may cryptic post si Andrea na tila pasaring sa lahat ng mga nagpakalat ng kasinungalingan sa kanya. 

Ibinahagi niya sa kaniyang IG story ang isang art card batay sa bible verses na Psalm 62: 1-7.

Mapapansin sa kanyang Instagram story na naka-highlight ang mga taludtod na ito, “So many enemies against one man—all of them trying to kill me. They plan to topple me from my high position, they delight in telling lies about me.”

“Let all that I am wait quietly before God, for my hope is in Him.”

“…my fortress where I will not be shaken.”

“My victory and honor come from God alone. He is my refuge, a rock where no enemy can reach me…”

Bukod sa bible verse na kanyang pinost, ibinahagi rin niya ang picture nilang apat ni Kyle Echarri, Darren Espanto at AC Bonifacio sa ginanap nilang mini reunion.

May text caption na nakalagay, 'Squad Goal.'

Samantala, wala pang pahayag, paliwanag, o tugon sina Andrea, Kyle, at Darren tungkol sa isyung ipinupukol sa kanila ngayon.

Matatandaan, nag viral kamakailan lang sa social media ang mga larawan nila ni Francine Diaz at Seth Fedelin matapos ibinahagi sa Facebook na magkasama ang dalawa kasama ang pamilya ni Francine. 

Hindi pinalampas ng mga netizen ang nasabing mga photos dahil sa kanilang pagtataka na kung bakit nandoon si Seth sa bahay nila Francine. 


Alam ng lahat na sikat at tinatangkilik ang love team na "SethDrea" sa social media at palagi pang magkasama ang dalawa sa mga TikTok videos. 

Sa mga photos na kalat na kalat sa social media, makikitang masayang ipinagdiriwang ng dalawa ang new year kasama ang buong pamilya ni Francine.

Sumikat ang SETHDREA at KYCINE ng dahil sa programang Kadenang Ginto, at kahit natapos na ang ang serye ay patuloy pa rin mapapanood ang grupong Gold Squad sa youtube. 

Matapos nito, biglang nabuwag ang loveteam na KYCINE dahil sa na-link ang aktor na si Kyle Echarri kay Chie Filomeno.

Marami ang mga isyu na lumabas kung saan sinasabi ng mga netizens na may relasyon umano ang dalawa. Subalit, sa latest na interview kay Francine Diaz ay inamin nito na hindi pa umano ito handa na pumasok sa isang relasyon.

At kalalabas lang na balita, nag unfollow na umano si Andrea Brillantes kay Francine Diaz sa Instagram. 

Hinuha ng mga netizen, ang dahilan ng kanyang pag unfollow ay may kaugnayan umano sa kumakalat na photos nila ni Seth at Francine. 


At sa TikTok video ni Andrea, makikitang malungkot ang kanyang mga mata at tila ba patama umano ito sa kumakalat na isyu. 

Ang kanyang TikTok video ay agad umani ng 4.6 million views at mga komento mula sa netizen na sinasabing naiintindihan umano nila ang nararamdaman ni Andrea. 

Marami rin ang nagsabi na tugma ang lyrics ng kanta na ginamit ni Andrea sa nag trending na isyu ngayon. 

Ito ang lyrics na nakasaad sa kanta;

"I gave my all and they all know it

You turned me down and now it's showing

In two months, you replaced us

Like it was easy

Made me think I deserved it"

Hindi maiiwasang mapansin ng mga netizens na bihira na lamang makita na magkasama sina Francine at Andrea Brillantes.

At may kanya-kanya na itong grupo sa kanilang mga vlogs. Kaya naman nagtataka ang ilan kung magkaibigan parin ang dalawa.

Source: balita