Labis na naantig ang puso ng mga netizen sa istorya ng isang bata sa Davao City na kung saan bibili sana siya ng cake para sa kanyang ina para sa kaarawan nito, ngunit kulang ang kanyang pera.

Sa Facebook post ni Angelica Galido Bermoro, lumapit umano ang bata sa kanya na si "Bibo" at inalalayan niya ang bata sa kung anong cake ang gustong bilhin ng bata.

Tinanong ni Bibo ang babae kung magkano ba ang cake na naisipan niyang bilhin, "Magkano po, ate?" 

Ang naisipang cake na bibilhin ni Bibo ay nagkakahalaga ng Php 390.

Tinuro niya ang isa pang design ng cake at nagtanong ulit kung magkano ang cake na iyon, "ito po, ate"

Ang cake na tinutukoy ni Bibo ay nagkakahalaga ng Php 305.


Pumunta na sa counter ang babae at sinabi sa kahera na ang cake na nagkakahalaga ng Php 305 ang gustong bilhin ni Bibo.

Nakita umano ng kahera ang perang inilabas ng bata na puro barya at may isang Php 50 bill at isang Php 20 bill. 

Sinabi pa ng bata na ipapa-bilang niya sa kahera ang kanyang pambayad na pera para sa cake.

Ngunit, kulang ang kwarta ng bata. Ayon sa babae, nasa Php 100 lang ang pera ng bata. Kulang na kulang para sa cake na gusto niyang bilhin.

Sabi ng bata, "birthday ng mama ko, bibilhan ko sa sana siya ng cake ngunit kulang ang pera ko. 

Ang babae naman na tumulong sa bata ay isang 'good samaritan' at sinabi niya na siya na ang magbabayad sa kulang.

Lumabas ang bata at iniwan umano ang kanyang pera sa kahera. Hinabol siya ng kahera sa labas. At ilang minuto ang nakalipas, bumalik na ang bata.

Tinulungan si Bibo ng isang customer [ang babae na tumulong sa kanya nang siya ay pumipili pa ng cake]. Ibinalik sa kanya ang kanyang pera at nag insist na siya na ang magbabayad sa cake. 


Sabi kasi ng bata, gusto niya bumili ng cake, ngunit kulang ang kanyang pera. Kaya, ibibili niya na lang ito ng bigas.

Marami sa mga netizen ang na-inspire na kwento ni Bermoro at ng bata. Ani ng mga netizen, makikitang labis umano ang pagmamahal ng bata sa kanyang ina. 

Heto ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen:

"God bless you ms. bermoro! Happy birthday to Nanay Flordeliz. You have shown well the good values to your kid! God bless you too baby Boy♥️🙏🙏"

"Touching story...Thank you Lord sa Ma'am nga nag sponsor sa Bata..if I was in that position I would surely do the same. There is still Good and Humanity in this world. God Bless You More Ma'am."

Sa ngayon, ang post na ito ay umani na ng 36K reactions at 9K shares sa social media.

Source: facebook