Hindi kinaya ng lalaki na si Niño at tila gumuho ang kanyang mundo nang pumanaw ang kanyang asawa na si Beth dahil sa sakit na lupus.
Ngunit sa gitna ng kanyang kalungkutan, muling nabuo ang kanyang mundo dahil nakatagpo siya ng babaeng mamahalin niya at ito ay ang mismong kakambal ni Beth.
Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, ikinuwento ni Niño na taong 2003 nang makilala at ma-fall siya kay Beth na isang singer ng banda.
Sa panahong iyon, hindi na nag aksaya pa ng panahon si Niño at agad niyang niligawan si Beth hanggang sa napasagot niya ito.
Makaraan lang ang ilang taon, nagpasya silang magpakasal at nagkaroon sila ng dalawang anak.
Pero dalawang linggo pa lang ang nakalipas nang manganak si Beth, naospital ang kanyang asawa at pumanaw pagkaraan ng dalawang linggo.
"Last word na sinabi niya anak, ang nabanggit niya anak. Wala na. Hanggang sa huling sandali, anak niya iniisip niya," sabi ni Niño.
Nang pumanaw ang kanyang asawa, akala ni Niño ay hindi na siya iibig pang muli. Hanggang sa napalapit ang kanyang loob sa kapwa niya guro na si Liza, kakambal ni Beth.
Inamin ni Liza na noong una, hindi niya umano "type" si Niño.
Ngunit, mas napalapit pa ang kanilang loob sa mga panahon nang dinamayan ni Liza si Niño sa kanyang pagdadalamhati.
Hanggang sa naging magkarelasyon sila at nagpasya na magpakasal noong taong 2016.
Ayon kay Liza, naniwala umano siya na si Beth ang gumawa ng paraan para mapalapit ang loob niya kay Niño.
Dahil nga identical twins sina Liza at Beth, hindi mahirap sa mga anak nina Niño at Beth na tawaging mommy si Liza.
Sa gitna ng pighati na naranasan nina Niño at Liza dahil sa pagpanaw ng isa sa kanilang minamahal sa buhay, happy ending naman ang natamo nila sa huli.
Sa isa pang kwento na minsan ring nag viral sa social media matapos pinakasalan ng bride ang kanyang namayapang groom.
Sa siyudad ng Malolos sa Bulacan, ang isa sana sa pinakamasayang araw ng 29-year old na babae ay naglaho na lang ng parang bula.
Makikita sa video, nag "took ng vows" ang nasabing bride sa tapat ng cask3t ng kanyang groom na napag-alamang minurder.
Nakatakda na ang schedule ng kanilang kasal ni Gileen Gutierrez at ng kanyang fiancé na si Marco Luis Dayao sa Disyembre 19.
Nagdesisyon pa rin si Gileen na ituloy pa rin ang wedding sa Father's Cradle Memorial Chapel sa siyudad ng Malolos kung saan nandoon ang lamay ng kanyang fiancé.
Ang mga photos at videos ng kanilang kasal ay ibinahagi sa social media ng kanilang mga kaibigan at kapamilya nitong Huwebes lang.
Ang post na ito ay mabilis na nag viral at umabot na sa 496,000 views, 18,000 na mga komento at 63,000 shares kahapon lang.
Ayon kay Police Col. Manuel Lukban Jr., Bulacan police director, si Dayao ay mag ce-celebrate na sana ng kanyang ika 31 na kaarawan. Siya ay pinatay matapos lumabas siya ng kanyang apartment sa Busililo Apartelle.
Sa apartelle na ito, kasama niya si Gileen Gutierrez at ang kanilang dalawang anak sa Barangay Sumapang Matanda.
Dagdag din ni Lukban, may natanggap daw na telephone call si Dayao at sinabihan siyang magkita daw sila sa labas ng kanyang bahay.
Dito, bigla na lang daw binaril si Dayao. Ayon sa mga saksi, nakakita umano sila ng Toyota Vios sedan na bigla lang daw tumakbo nang mabilis matapos ang shooting incident.
Ayon sa mga imbestigador, patuloy pa nilang inaalam kung may kinalaman ba sa e-sabong (online cockfighting) gaming center na mina-manage ni Dayao ang kasong ito.
Ngunit, sa ngayon, hindi pa nagpalabas ng karagdagang detalye ang mga kapulisan tungkol sa nasabing ongoing probe.
Sa kabila ng nangyari, itinuloy pa rin ng bride ang wedding ceremony mitong Huwebes lang, araw bago ipana-cremate ang labi ng kanyang groom.
Isang evangelical pastor ang nag celebrate ng kanilang symbolic and unofficial wedding.
Nagbigay din ang bride ng kanyang huling mensahe para sa kanyang groom na namayapa na sa mismong tapat ng kanyang kab4ong.
“Magpapakatatag at magiging malakas ako para sa dalawang anak natin dahil alam ko iyon ang gusto mo para sa akin, sa amin. Mahal na mahal kita (I will not break down and will stay strong for our two children because I know this is what you would ask of me, of us. I love you very much).”
Marami rin sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan ang hindi makapaniwala sa sinapit ng groom.
“Sana kinuha na lang ang pera mo. Bakit kailangan ka pang patayin," sulat ng isang kaibigan nila sa social media.