Hindi makapaniwala ang batang babae na  ito na makapagtapos siya ng kanyang pag-aaral sa isang prestihiyusong unibersidad ng Australia.

Ang babaeng ito ay kilala sa pangalang Sophy Ron. At hindi lang umano siya nakapagtapos sa nasabing unibersidad, nagtapos pa siya bilang isang valedictorian.

Sa kabila ng kanyang tagumpay, hindi maitatanggi ni Sophy Ron na nangongolekta siya ng basura kasama ang kanyang mga kaibigan. 

Bata pa lang si Sophy, alam na niya kung ano ang kanilang sitwasyon at ang ang reyalidad sa buhay.

Bilang isang bata, may isang maliit na pangarap lamang si Sophy. Ito ay maahon ang buhay sa kahirapan at makapagtapos ng pag-aaral.

Ayon sa kanyang istorya, tinulungan umano siya ng Cambodian Children's Fund o "CCF" na maabot niya ang kanyang pangarap. 

Nakitaan din siya ng talent ng CCF at nakita ang malaking potensyal sa kanya na maabot talaga ni Sophy ang kanyang pangarap.

Hanggang sa nakapasok siya sa isang kilalang unibersidad sa Australia at nakatanggap ng full scholarship sa tulong ng CCF. 

Dito, nagsimula na ang mga hakbang niya sa pag abot ng kanyang mga pangarap at nalampasan niya ang mga sakripisyo sa buhay.

Sa kanyang speech, ibinahagi ni Sophy ang kanyang experience. "I didn't realize it was smelly, I didn't realize it was dirty, I slept there, I ate there, I did everything there, so it became my home."


Hinding hindi niya makakalimutan ang tao na minsang nag approach sa kanya na isang member ng CCF at nagtanong sa kanya kung gusto niya bang makapag-aral.

"He asked me whether I wanted to study English, and at that time I had no idea what English was, I ran home feeling happy because he promised he would take me to school."

And this is where a part of her life began that finally changed. The Lord is good to people who have dreams. They say, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Marami ng mga kwento na ating naitampok sa social media na nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga tao. Mga kwento tungkol sa sakripisyo at determinasyon para lang makamit ang pangarap sa buhay.

Kaugnay ng kwentong ito, labis na nakakabilib ang ipinamalas na determinasyon at tiyaga ng isa nating kababayan na Aeta mula sa Tarlac matapos hindi nawalan ng pag-asa na makapasa sa Licensure Examination for Teacher (LET).

"Try and try until you succeed," tila ito ang naging palaging baon na kasabihan ng gurong si Gennie Victoria Panguelo matapos niyang maipasa ang LET sa ika-25 na beses. 

Sa isang video na ini-upload ni Dr. Willie Ong at Dr. Lisa sa Facebook, ibinahagi nito ang kahanga-hangang ipinakitang pagsisikap ni teacher Panguelo.

Ayon sa kwento ni teacher Panguelo, natapos siya ng pag-aaral taong 1987 at agad siyang nagturo sa kapwa niya Aeta.


At sa mga panahong iyon ay hindi pa ganoon kahigpit ang gobyerno kung kaya naman pinapahintulutang magturo ang mga guro kahit hindi pa nila naipapasa ang LET.

Sa taong 1990, nagdesisyon na si Panguelo na kumuha ng Licensure Examination for Teacher (LET) exam, ngunit hindi pinalad si Panguelo.

At sa taong 2010, mas naging mahigpit na ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas para sa lisensya ng mga guro para makapagturo sa mga paaralan. 

“Sinasabi nila matanda ka na, ‘di ka pa pumapasa. Ano ba ‘yan, maputi na ang buhok mo, ‘di ka pa rin nakapasa,” ani Teacher Gennie.

Sa kabila ng pangmamaliit at pang-iinsulto na kanyang naramdaman, hindi parin sumuko si teacher Panguelo, bagkus ay lalo pa itong nagpursigi upang makakuha ng lisensya para makapagturo.

Nito lamang taong 2016, sa ika-25 beses niyang pag-take ng LET exam, nakapasa na sa wakas si Teacher Gennie. 

Source: expertistnetwork