Isang nakakalungkot na balita ang bumungad sa mga netizen ngayong araw na ito matapos maaksidente ang aktor na si Diether Ocampo.

Sa post ng Kapamilya Online World, sugatan ang aktor matapos mabangga ang kanyang minamanehong SUV sa isang garbage truck sa OsmeƱa Highway, Makati City. 

Nagulat naman ang driver ng garbage truck na si Lauro Banaga nang biglang may kumalabog sa bandang likuran ng truck, habang abala raw sila sa pagkuha ng mga basura.

Sa lakas ng pagkabangga, wasak ang kaliwang harapan ng SUV ni Diether.

Agad naman rumesponde ang Philippine Red Cross at agad na dinala si Ocampo sa ospital.

Nang isinakay na siya ng Philippine Red Cross, nagpupumiglas ito at gustong tumayo. 

“Parang nagre-resist siya, parang ayaw magpadala, ayaw siyang magpakuha sa mga Red Cross personnel,” responder Joey Alicante, member ng Bantay Bayan of Barangay Pio del Pilar, sabi sa Teleradyo report.

Ayon kay Alicante, naka hazzard naman umano ang nasabing dump truck.

“Naka-hazard naman ‘yung dump truck. Hindi niya (Ocampo) siguro napansin… Positive po, nakainom,” ani ni Alicante.

Ngayon, kasalukuyan ng nasa ospital ang aktor at nagpapagaling na sa kanyang natamo na sugat dulot ng aksidente. 

Dinala na sa traffic office ang sasakyan ng aktor, at isinama rin ang driver ng ng nasabing garbage truck para sa isang follow-up investigation. 




Wala naman umanong nasaktan na mga basurero nang banggain ng SUV Ford Explorer ni Diether ang garbage truck. 

Marami naman sa mga netizen lalong lalo na ang mga fans ni Diether ang nagparating ng kanilang pag aalala sa nangyari sa aktor.

"#getwellsoondiet we will pray for your fast recovery."

Si Diether Ocampo ay isang Filipino model, actor, singer, at military officer. 

Panoorin ang buong video dito!