Kinumpirma ni Janelle Lewis, Miss World Philippines 2021 2nd Princess, na recently dating umano sila ng aktor na si Kiko Estrada.

Sa isang press conference sa kanyang bagong  movie na 'Takas,' tinanong si Janelle kung ano nga ba ang 'real score' nilang dalawa ni Kiko.

Nang tinanong si Janelle tungkol sa 'real score' nila ni Kiko, straightforward namang sumagot si Janelle.

“We're dating po. Me and Kiko po are dating po,” sabi ni Janelle.

"Just to set things straight po, I came into the picture a few months after,” dagdag pa nito. 

Nilinaw naman ni Janelle na nagsimulang magkaroon ng connection sila ni Kiko mga buwan matapos ang break up sila ni Heaven Peralejo at Kiko Estrada. 

Matatandaan, kinumpirma noon ng aktres na si Heaven Peralejo na naging magkarelasyon sila ni Kiko Estrada nitong taong 2021 sa panayam sa kanya ng Magandang Buhay nitong Disyembre 23 lang. 

Ito ay matapos siyang tanungin sa Magandang Buhay kung mailalarawan ba niyang "heaven o hell" ang natagpuan nilang pag-ibig simula noong unang taon. 

"Ano kaya? Both na natin," napangiting sagot ni Heaven.

Bakit niya nasabing heaven ang kanyang relasyon noon?

"Why? Naging masaya naman ako. And marami naman ako natutunan," simpleng saad ng young actress.

Pero may bahagi ring "hell" ang narasanan niya.




Ani Heaven, "Yung hell, kasi siyempre, ewan ko, siguro in life hindi naman lahat masaya."

Naging usap-usapan din noon sa social media matapos mag post ang nakakatandang kapatid ni Devon na si Dhemy Seron matapos ang kumalat na alleged photos sa internet ang ex boyfriend ni Devon na si Kiko Estrada kasama sa Heaven Peralejo sa Boracay. 

Hinuha ng mga netizen na totoo talaga ang kumakalat na tsismis na si Heaven ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Kiko at Devon.

Source: kami