Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang video ng isang lalaki na nakipag away sa kanyang mga kapitbahay dahil lang sa pinalitan diumano ang password ng Wi-Fi. 

Sa video, kitang kita na kaalitan ng lalaki ang babae, "Kuya, sabi ko sa'yo na saka na lang after training, kasi humina yung signal," sabi ng babae. 

Mahinahon na nakipag-usap ang babae kay kuya. Sa video, humingi pa siya ng pasensya kay kuya na naki-connect lamang sa kanilang Wi-Fi. 

Ayon sa babae, kaya raw iniba ang password ng Wi-Fi dahil mayroong training ang kanyang kapatid sa BPO, nagtatrabaho bilang call center.

Dagdag pa ng babae, kaka-training lang daw ng kanyang kapatid kaya kinakailangan na malakas talaga ang internet connection. 

Ngunit, habang nagpapaliwanag ang babae, patuloy pa rin sa pagsigaw ang lalaki. At sa pagkakataong ito, mas naging galit pa. 

"Kuya, pasensya ka na kung masama yang ano mo…kasi hindi ko talaga yan internet at sinasabi ni Jessie na kapatid ko, huwag muna siyang magpa connect kasi nag co-call center pa po siya," paliwanag ng babae.

"Ako, ayokong magpakita ng hindi maganda sa inyo, pero pinilit nyokong ganituhin," pasigaw na sabi ng lalaki.

Ipinaliwanag din ng babae na hindi umano siya ang nagbabayad ng internet bill.

At sinabihan din ng kapatid ng may-ari ng internet ang lalaki na kailangan niya respetuhin ang desisyon ng kapatid niya.

"Naiintindihan kita, pero siya, dapat sabihin niya yung dapat," sagot naman ng lalaki.

Sinubukan siyang pakalmahin ng babae na diumano misis ng lalaki, ngunit tinulak lamang niya ito papalayo at nagpatuloy sa kanyang pagsigaw. 




Sabi ng babae, dapat sana hindi lasing ang lalaki nang siya ay nakipag-usap sa kapatid ng may-ari ng internet.

Itinanggi naman mismo ng lalaki na hindi siya lasing sa mga oras na iyon. 'Hindi ako lasing.'

Dahil sa galit ng lalaki, sinipa niya ang motor dahilan na natumba ito. 

Nang sa nasa kalagitnaan na ng kanilang alitan ang dalawa, sinabihan pa umano ang kapatid ng may-ari ng internet na lumayas sila at dalhin ang kanilang internet.

Sa video na nag viral sa social media, maraming mga netizen ang nanggigil at natawa sa inasta ni kuya. Heto ang ilan sa mga komento:

"Sarap iviral nyan wala na nga pampakabit ng internet, nag iskandalo pa at nanipa ng motor. Wow! Just wow. Tapos kapag sumikat sa kagaguhan nya saka hihingi ng public apology. My goodness mga walang ambag sa kapwa nakaka perwisyo pa."

"Hahaha yung kapitbahay din namin naki connect ng wifi sakin dahil gagamitin daw sa module ng anak pinag bigyan ko kasi naawa ko tapos na kikita ko nag ML lang pala hanggang madaling araw 😂😂😂"

Panoorin ang buong video dito!