Tila hindi pinalampas ng Kapamilya comedian-host na si Melai Cantiveros ang isang basher na nagbigay ng komento sa kanya. 

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Melai ang komento ng isang basher na tila pinuna ang kanyang pag-si ship umano kina Kyle at Chie.

Bukod sa pamumuna na ginawa ng basher, dinamay pa nito ang nanahimik na anak ni Melai at nagbahagi pa ng hindi kaaya-ayang mga salita. 

Sa ibinahaging litrato ni Melai ay mababasa ang sinabi ng basher na, “Epal mo din e ano. Wag mo i ship si Kyle kay Chie anak mo nga ang pangit,” komento ng basher 

Agad naman itong nireply-an ni Melai ng, “humanda ka papahanap kita idedemanda kita,” na kakikitaan ng galit dahil sa pandadamay sa kanyang anak.

“Humanda ka @stan.francine.chin papahanap ko sa nbi ang account mu mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mu sa anak ko , ako sabihan mu ok lang wag ang anak ko , kahit itlog ka kahit magdeactivate ka , alam ko fans ka ni francine @francinesdiaz mahahanap kita,” caption ni Melai sa naturang post niya.

Nagbigay din ng komento ang mga ilan sa malalapit na kaibigan ni Melai at sumasang-ayon sila sa gagawin ni Melai.

"Dapat lang yan sa mga ganiyang tao te Mels,” ani ni Karen Reyes.


“Aaaay hindi makatarungan yan.. bigyan ng leksyon yan memsh,” komento naman ni Juliana Parizcova. “Nakakaloka yan ha! Pahanap natin yan,” pakli naman ni Darla.

Sa sumunod na post ni Melai, nagbigay siya ng update sa naging pag-uusap nila ng basher.

Sa una nilang pag-uusap, tila gumagawa pa ng istorya ang basher at sinabing hindi umano siya ang nag komento. Ngunit, humingi rin ito ng tawad kinalaunan. 

Buong puso namang pinatawad ni Melai ang basher, at nagbigay din siya ang leksyon para sa lahat ng tao. 

“Pero xmpre sinu ba ako para di mapakinggan ang side nya at di cya mapatawad ,hayan maging lesson yan na wag basta magpadala sa feelings tapos pipindut nalang na di inaalam kng may mahuhurt kaba na damdamin.


“Matuto tayu Rumespeto ng tao , Respeto is the key para sa matiwasay na buhay , kng di mu gustu ang sinasabi ng ibang tao Irespeto mu, and lets mind our own business at last magpatawad at magmahalan. and kay bebegirl @francinesdiaz pasencya kana bebe at nadamay name mu dtu at alam kung maiintindihan mu nmn kng saan itu nangagaling ❤️❤️❤️#respect #forgive #waganakko,” ang nasabi na lamang ni Momshie Melai.

Source: kapamilyaonlineworld