Mainit na pinag-uusapan ngayon ang aktres na si Francine Diaz na siyang isa sa mga nag trending na topic sa Twitter. 

Ito ay matapos magbigay ng mensahe ang sikat na Korean actor na si Chan-young Yoon kay Francine sa Instagram.

Sa Instagram ni Francine, ibinahagi niya ang screenshot ng direct message ng South Korean actor na si Chan-young Yoon.

Sa screenshot, makikita ang "wave emoji" ng South Korean actor para kay Francine.

Agad itong ibinahagi ni Francine sa kanyang Instagram sabay ang kanyang caption na, "Ikamamatay ko to!!!” na may heart at crying emoji. 

“Cheong san!! Saranghae!!!” dagdag pa ng aktres sa kanyang post.

Nag post din siya sa kanyang Twitter at sinabing, "Kay cheong san lang ako papayag ma seen zoned. #AllOfUsAreDead,” tweet ng aktres.

Si Chan-young Yoon ay gumanap bilang si Lee Cheong-san sa Korean series na "All of Us are Dead" na mapapanood sa Netflix.


Kamakailan lang, nag viral ngayon sa social media ang mga larawan nila ni Francine Diaz at Seth Fedelin matapos ibinahagi sa Facebook na magkasama ang dalawa kasama ang pamilya ni Francine. 

Hindi pinalampas ng mga netizen ang nasabing mga photos dahil sa kanilang pagtataka na kung bakit nandoon si Seth sa bahay nila Francine. 

Alam ng lahat na sikat at tinatangkilik ang love team na "SethDrea" sa social media at palagi pang magkasama ang dalawa sa mga TikTok videos. 

Sa mga photos na kalat na kalat sa social media, makikitang masayang ipinagdiriwang ng dalawa ang new year kasama ang buong pamilya ni Francine.

Sumikat ang SETHDREA at KYCINE ng dahil sa programang Kadenang Ginto, at kahit natapos na ang ang serye ay patuloy pa rin mapapanood ang grupong Gold Squad sa youtube. 

Matapos nito, biglang nabuwag ang loveteam na KYCINE dahil sa na-link ang aktor na si Kyle Echarri kay Chie Filomeno.


Marami ang mga isyu na lumabas kung saan sinasabi ng mga netizens na may relasyon umano ang dalawa. Subalit, sa latest na interview kay Francine Diaz ay inamin nito na hindi pa umano ito handa na pumasok sa isang relasyon.

At kalalabas lang na balita, nag unfollow na umano si Andrea Brillantes kay Francine Diaz sa Instagram. 

Hinuha ng mga netizen, ang dahilan ng kanyang pag unfollow ay may kaugnayan umano sa kumakalat na photos nila ni Seth at Francine. 

Source: KAMI