Mabilis na nag viral ang video ng isang groom na ito matapos animo'y nakalimutan na siya pala ang ikakasal sa araw na iyon.
Sa nasabing video, makikita ang bride na naglalakad patungo sa altar na may kasamang dalawang abay, magulang ng nasabing bride habang sabik na naghihintay sa kanya ang kanyang groom.
Nang papalapit na sa altar ang bride, maayos naman itong hinawakan ng groom ang kamay ng kanyang bride patungo sa harap ng altar.
Ngunit, ang nangyari, parang absent-minded ang nasabing groom dahil nagkamali siyang umupo sa isang upuan na siyang inuupuan ng parents ng groom o ng bride.
Buti na lang, mabilis napagtanto ng groom na hindi siya dapat uupo doon dahil kailangan nila ng kanyang bride na pumunta sa harap ng altar upang simulan ang wedding ceremony.
As of this writing, ang nasabing video ay umani na ng 700k view sa TikTok.
Kaugnay ng kwentong ito, matatandaan ang isang video na ibinahagi sa social media na kitang kita ang nakakatawang reaksyon ng groom matapos uminom ng wine sa gitna ng wedding ceremony.
Naging "laughtrip" ang dating ng kanyang reaction matapos ininom ang nasabing wine.
Marami ang nagsabi na sa reaksyon na ibinigay ng groom ay tila nakainom umano siya ng 'apple cider vinegar.'
Mabilis na kumalat ang video na ito at tila naghatid ng kasiyahan sa mga nakapanood ng nag viral na video.
Ang post ng ito ng netizen na Facebook user na si Genesis Paragele Estrera, agad ito nakahakot ng 6,000 comments, 69,000 reactions at 2.1 milyon views sa Facebook.
Ito ay ilan lamang sa mga balita na nakaka-good vibes, ngunit sa kwentong ito naman na minsan na naitampok sa social media, tila hindi naman mawari ng couple na ito ang nangyari sa kanilang wedding.
Maraming mga netizen ang nalungkot sa nag viral na video noon ng isang bride na umiiyak suot ang kanyang wedding gown matapos niloko siya ng kanyang wedding coordinator.
Ang nasabing bride ay hindi idene-disclose ang kanyang pangalan. Ang babaeng nasa video ay taga Minglanilla, Cebu.
Na-iscam umano ang bride sa kinuha niyang wedding coordinator na kilala sa pangalang Naser Fuentes.
Ayon sa nasabing post, ang akala nila na inayos na ng kanilang wedding coordinator ang reception, ngunit, walang reception na naganap pagkatapos ng kasal.
Ayon din sa post ng videographer ng ng kasal na si Jesson Argabio Jes, sinabi niyang first time niyang maka-witness ng ganitong klaseng scam.
"Ang event naman ngayon ay scam, first time ko talaga ito. Quits lahat," ani ng videographer.
Nagpakita pa nga umano ang wedding coordinator sa kasal, ngunit bigla rin itong nawala at hindi na raw ma-contact pagkatapos.
Pagkatapos ng kasal, dumiretso na sila sa venue kung saan nandoon ang pinagkasunduang lugar ng reception. Ngunit, close umano ang nasabing venue.
Ayon sa tao na in-charge sa venue, walang event na naka-book doon para sa kanilang reception. Wala rin daw pagkain at decors. Sa madaling salita, wala lahat.
Totoong na-iscam umano ang couple dahil fully paid na ang mismong wedding package. Lahat ng suppliers ay hindi rin binayaran dahil hindi pa sila nabigyan ng kanilang coordinator.
Mula sa make-up artists, photo and venue, wala silang nakuhang bayad dahil na-scam sila ng wedding coordinator.
Source: kami