Hindi karaniwan sa mga babae na malaman agad nila na sila ay nagdadalang tao sa unang beses pa lang nang sila ay nakaranas na ng mga "pregnancy signs."
Ngunit para kay Pia, 38, bagong mom pa lang, ang pag-iisip na siya ay nagdadalang tao ay hindi kailanman sumagi sa kanyang isipan.
Hanggang sa naospital siya at sinabihan na siya ng mga doktor na manganganak na siya.
Noong May 14, 2020, ang asawa ni Pia na si Jonathan Rapusas, 38, nag post sa Facebook ng isang update na siyang ikinagulat ng kanilang pamilya at mga kaibigan.
Sa kanyang post, ibinahagi niyang si Pia ay nanganak noong May 8, parehong araw na nalaman niyang siya ay 38 weeks pregnant na.
"Pia and I are so thankful for your prayers and support for Team Rapusas in this season of COVID-19 and ECQ. Our story has overwhelmed many of you with varying degrees of reactions ranging from a speechless jaw drop emoji to a ridiculous joke," sulat ni Jonathan.
Ngunit, ang lahat ng ito ay hindi joke.
Sa isang email interview kasama ang SmartParenting.com.ph, ni-recall ni Jonathan ang mga pangyayari at kung bakit hindi nila na-realize na buntis si Pia.
Si Jonatan at Pia ay kinasal noong 2012 at idinadasal nilang magkaroon ng anak sa loob ng pitong taon.
Si Pia ay mayroong Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS), isang hormonal imbalance na nakakaapekto ng chances ng isang babae na mabuntis.
Ngunit, hindi naman ito naging hadlang sa kanilang buhay bilang mag-asawa. Dahil nga sa kanyang PCOS, hindi na sila nagkaroon ng family planning.
Ngunit sa isang Facebook post ni Jonathan, may isang bagay na hindi nila inaasahang mangyari. "Pia and I were at home and she experienced abdominal pain, na akala lamang ng kanyang asawa na isang extreme dysmenorrhea lang noong May 6.
Sinabi rin ni Jonathan sa Smart Parenting na nagsusuka umano si Pia at ang possibility na pregnant si Pia ay hindi minsang sumagi sa kanilang isipan.
May online consultation si Pia ng gabing iyon at binigyan siya ng prescription. Na-relieved si Pia sa kanyang pagsusuka ngunit ang sakit ay patuloy pa ring naranasan ni Pia ayon kay Jonathan.
Noong May 8, hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Pia. At sa pagkakataong ito, naghihinala siyang buntis siya. Nag pregnancy test si Pia at positive ang lumabas.
Masayang ibinalita ng couple sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang balita na buntis si Pia sa panahong nag ECQ.
Dahil hindi pa rin maayos ang kalagayan ni Pia, nag desisyon silang pumunta sa Emergency room. "A doctor we knew assured us that it would be safe because there is a separate ER for non-COVID patients," ani pa ni Jonathan.
“[Since] we were already going to the hospital, we thought we should also consult with an ob-gyn to determine the next steps in our pregnancy journey," dagdag pa niya.
Sa emergency room, sinabihan si Pia na mag take ulit ng PT. Positive ang naging resulta at dinala na sila sa ob-gyn ward.
Sa panayam ng GMA News sa mag-asawa, sinabi pa ni Pia na sinabihan na siya ng doctor na," Ma'am, ulo na po ang nakakapa ko."
“When I was called, I got the shock of my life when I found out that Pia was ready to give birth,” pagbabahagi pa ni Jonathan.
“The head of the department was only giving us two options: give birth right now in the hospital or transfer to another one.”
Ang unang pumasok sa isipan ni Jonathan ay premature baby ang isisilang ni Pia.
“She was asked when her last menstruation was and she replied that it was [in February]. Doing the math, you are expecting a premature baby,” sabi ni Jonathan.
“We have heard of stories of babies staying in NICU (neonatal intensive care unit) for so long and the financial consequences would have been huge. One relative was saddened with what was going on and feared that Pia will experience a miscarriage. I did not dwell on that idea.”
Ang kanilang baby ay hindi premature kundi born full- term. Ang kanilang baby boy na si Isaiah David ay isinilang via cesarean section, 4:46 p.m.
“The doctors told us that the baby weighed 3.2 kilograms, was pinkish in color, had an APGAR score of 8.9, and was full term at 38 weeks,” pagbabahagi ni Jonathan.
“She was still groggy from the effects from the anesthesia (after birth) but she was awakened by the cries of [our son]. The staff was telling her that she had a boy. The doctors also corrected their initial statement,” pahiwatig ni Jonathan.
Dagdag pa niya, “I was laughing when Pia told me the news. God fulfilled the promise of having a baby boy after seven long years.”