Pinagkakaguluhan ngayon sa social media ang nag viral na video ng isang foodpanda rider at ng customer na lalaki na nagkaroon ng alitan dahil sa maling pin location. 

Sa Facebook post ni Anthony Antonio, foodpanda rider, ang ugat ng kanilang argumento ay dahil lamang wrong pin location.

Nagkamali ang customer sa paglagay ng nasabing pin location at pinakiusapan ng foodpanda rider na kung maaari ay ayusin nila ito.

Ngunit, mainit ang ulo ng lalaki at sinabing nakikipag argumento umano sa kanya ang foodpanda rider.

"Meron bang address na nakalagay diyan, edi magtanong ka…nakikipag argumento ka sakin eh," sabi ng customer.

"Eh ano nga yung problema nandito ka na nga eh," dagdag pa ng lalaki.

Ang nais lamang ng foodpanda rider ay ayusin sana ang maling pag pin sa exact location nila. 

Hanggang sa nagkainitan na ang dalawa at sinabihan ang foodpanda rider na wala naman umanong problema at dapat tumigil na ang food rider.

"Kung gusto mo ng problema, bibigyan kita ng problema. Ang yabang mo ah," panghahamon pa ng customer.

Binatukan pa umano ng customer na lalaki ang foodpanda rider. "Binatukan mo ko, sir. Binatukan mo ko ah," sabi ng foodpanda rider.


Wala naman umanong sinabing mali ang foodpanda rider, ang gusto lang niya ay ayusin nila ang pin location.

Ang kanilang pina-deliver ay nagkakahalaga ng Php 334.00 lahat. Dahan dahan namang kumalma ang lalaki at inabot sa rider ang Php 1,000.

Ipinaliwanag naman ng rider na isa umano sa kanilang trabaho ay ang pagpapaayos ng pin location ng kanilang mga customer.

Walang panukli umano ang rider sa perang binayad ng kanilang customer at nakiusap na kung maaari ay Php 500 ang ibigay na pera.

Hanggang sa nanghingi na umano ng tulong ang customer sa isang kernel para maayos ang nangyaring gulo.


Basahin ang kabuuang post ni Anthony Antonio sa kanyang Facebook account:

Meron talagang mga tao na akala nila ay nabili na buong pagkatao mo dahil sa mayaman sila!!!..oo delivery rider lang po kami pero di nyo po kami pweding saktan at sabihan ng masasakit na salita!..,ang trabaho lang po namin ay maghatid ng mga order nyo kaya sana wag nyo po kaming mumurahin!..,wala rin pong mali sa mga sinabi ko sa inyo!..tapos may tinatawagan pa kayong pulis?!!.,di nman po ako kriminal..mataas po respeto ko sa mga taong kailngan respetuhin pero kayo wala po kayong karapatan respetuhin ng ibang tao dahil sa napakasama nyong ugali!!!

Delivery fee lang po ang binabayaran ninyo hindi po ang pagkatao namin!!!..

Issue:WRONG PIN LOCATION…

Panoorin ang buong video dito!