Gumagawa na naman ngayon ng ingay ang halos isang dekada nang away ng mga Barretto. At sa muling pagsibol ng kanilang alitan, ilang mga pangalan ang mga nadawit.
Isa nga sa mga pangalang marahil ay pinaka malimit nababanggit ngayon ay ang isang Enrico Echiverri, o 'Recom' Echiverri. Sino nga ba itong taong ito at bakit siya nauugnay sa away ng mga Barretto?
Umugong ang pangalan ni Echiverri dahil ito umano ay naging karelasyon ni Marjorie Barretto, kahit na ito'y pamilyado. At kamakailan lamang, tuluyan nang winakasan ni Marjorie ang mga spekulasyon nang tahasan nitong inamin sa kanyang exclusive interview na, si Echiverri nga ang ama ng kanyang bunsong anak.
Bago pa man ito nadawit sa mga Barretto, si Echiverri ay isa ng prominenteng politiko sa syudad ng Caloocan.
Nagtapos ito ng pag-aaral sa San Beda University at Ateneo de Manila University. Mula 1998 hanggang 2004 ay nanging Congressman ito ng Caloocan. Isa pa nga siya sa mga naging parte ng pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada. Pagkatapos ng anim na taon niyang pagsisilbi sa Kongreso ay tumakbo at nagsilbi itong Mayor ng Caloocan.
Habang si Echiverri ang mayor ng Caloocan ay nagsilbi ring konsehal ng syudad si Marjorie Barretto. Dito umano umusbong ang kanilang relasyon, kahit na si Marjorie ay kasal kay Dennis Padilla, at si Echiverri naman ay pamilyado rin.
Makailang ulit pinatsudahan ni Gretchen ang kapatid tungkol sa relasyon nito kay Echiverri na hindi nito ma-amin-amin. Ilang beses niya itong binaggit sa mga palitan nila ng alegasyon ng kapatid.
Ayon pa nga kay Gretchen, matapos siya paratangan ni Marjorie na mayroong 'powerful in-a-bad-way' na boyfriend, walang paligoy-ligoy niyang inilahad na si Marjorie ang may aktwal na 'powerful in-a-bad-way' na boyfriend.
READ MORE: Gretchen Barretto, ipapa Tulfo raw si Marjorie Barretto
Ang tinutukoy ngang ito ni Gretchen ay walang iba kundi si Recom Echiverri.
Hindi pa nakontento si Gretchen at inilahad nito ang mga patunay na 'powerful in-a-bad-way' talaga itong si Echiverri. Inakusahan niya ito ng pagiging kurakot at pangmomolestiya.
Mukha namang mayroong katuturan ang mga paratang na ito ni Gretchen Baretto. Si Recom Echiverri kasi ay maraming beses nang nasangkot sa mga kasong may kinalaman sa pangungurakot. Noong mga taong 2010 hanggang 2013, habang nagsisilbing mayor ng Caloocan, sinampahan ng mga graft cases si Echiverri matapos ang mga maanomalya nitong mga proyekto na milyon-milyon ang halaga. Hindi umano ito dumaan sa bidding na siyang nakasaad sa Government Procurement Reform Act.
Hindi lang ito, dahil, nang parehong taon na iyon ay naghain at sinampahan ng Office of the Ombudsman si Echiverri ng 57 lang naman na graft cases. Ang mga kasong ito ay may kinalaman sa pagkawala ng milyon-milyong pera sa kaban ng bayan. Ngunit, karamihan naman sa mga ito ay naibasura rin.
Tuluyan rin namang naaresto si Echiverri dahil sa dami ng mga kasong naisampa, ngunit, nakalabas rin siya dahil sa pagpapyansa.
Bukod sa pangungurokat ay mayroon din daw kaso ng pangmomolestya itong si Echiverri. Ayon pa nga kay Gretchen, nakatakdang magsampa rito ng kaso ang kapatid niyang si Claudine dahil sa pangmomolestiya umano nito sa kapatid.
Patuloy pa ring sinusubaybayan ang mainit na awayan at palitan ng patutsadahan ang mga Barretto. Pati ang mga lalaking nasangkot at mga nabanggit sa kanilang away ay nakakuha ng atensyon sa publiko. Kung hanggang saan at kung saan patungo ang mala-teleseryeng alitan ng pamilyang ito, ay mukhang hindi pa malalaman sa ngayon.
READ MORE:
Marjorie finally breaks silence, reveals her version of the truth
Source: Esquiremag